Followers

Tuesday, October 19, 2010

Anong mas mahirap, ang walang ginagawa? o ang sobrang daming ginagawa?

Anong mas mahirap, ang walang ginagawa? o ang sobrang daming ginagawa?

Dalawang bagay na magkaiba pero parehong mahirap gawin. Ano nga ba ang mas mahirap sa dalawa?

Nitong nagdaang mga araw, tinadtad kami ng mga gawaing talaga namang sumubok sa aming tibay, pasyensya at lakas.

Walang katapusang plates, projects, quizzes at iba pang mga bagay ang sabay sabay na dumagsa at nagpahirap sa amin. Lahat bunga ng mga magagaling at sadista naming profs. Kulang na kulang ang oras na ibinigay sa amin (o hindi ko lang talaga nabalanse ang oras ko ng tama?) upang tapusin ang lahat ng requirements. Ilang linggo din kaming kulang sa tulog at magdamag na gising para gawin ang lahat ng bagay na dapat tapusin. Ganito ba talaga ang 2nd year? Doon ko naranasan ang sobrang cramming, pagod at hirap na umabot na rin sa puntong naisip ko na sumuko na lang at pabayaan na lang ang tadhana na magdesisyon sa mga susunod na mangyayari.Pinilit kong gawin ang lahat sa abot ng aking makakaya kahit alam kong kulang pa rin ito. Pinili kong hindi sumuko dahil alam kong maraming tao ang nagtitiwala sa akin at hindi ko ugali ang basta basta na lang sumuko sa mga ganitong problema. Katulad nga ng sabi nila "Ang problema, hindi tinatakasan yan, hinaharap yan at binibigyan ng solusyon" ayoko namang iwan na lang ang mga responsibilidad ko ng hindi tapos at sa awa nga ng Diyos, natapos naman namin ang lahat ng mga plates at group projects. Umaasa na lang ako na magbunga ang lahat ng pagod namin.

Halos hindi na ko umuuwi sa bahay namin.

Dahil nga sa sobrang daming gawain, minsan na lang ako umuwi sa bahay. Madalas nasa bahay ako ng iba para gumawa. Pero mas masaya naman ito kaysa magisa kang gagawa. Isa pang dahilan ko ay para hindi ako makatulog. Wala kasing nangigising sa akin sa bahay, napagod na sila dahil hindi naman daw ako nagigising kahit anong gawin nilang pangigising sa akin. (totoo ba to?)


Overnight Experiences. . .

#1 Naging bestfriend namin ang Mcdo. Halos gabi gabi kaming nagpapadeliver or lumalabas ng madaling araw para lang kumain sa Mcdo.

#2 Dito ko nakilala ang isang side ng mga kaibigan ko. Ang sabaw side nila. Halos araw-araw may sabaw moments at hindi ko makakalimutan tong mga to.

Ibat-ibang sabaw mode:

Clow: Nagiging mahinhin at mabait. (naalala ko nung naging agua ka. haha)

William: Bully pa rin kahit sabaw.
(William habang ginigising. . .)
William gising na. . .
William: (babangon ng onti) %&#($&%^124577^^&& (magsasalita ng kakaibang lengwahe tapos matutulog ulit)

Raji: Pagising ako ng (insert hour)
maya maya. . .
Raji gising na!
(babangon sandali tapos pipikit)
woi gising na!
Raji: Oo gising ako, nagiisip lang ako. (sabay tulog na)

Dan Dave: Bigla biglang nagsasayaw .Bigla ding nageenglish at nagsasalita ng kung ano-ano.
(nababasa ang plates. Bakit kaya? hahaha)

Duane: Palaging sabaw. Walang pinipiling oras at pagkakataon. hahaha

Cholo: Tawag ng tawag, lagi kaming kinakamusta.
(Nagiging Beato Angelico ang Alfredo M. Velayo building)

Ako: Matino at tahimik na gumagawa. (hahaha)

#3 Effective na pampagising ang daga. naalala ko nung gumagawa kami ng design model at may malaking daga na pumasok sa loob ng bahay nina Clow. Tumigil kaming lahat at panandaliang napunta ang atensyon naming lahat dun sa malaking daga at kung paano namin mapapaalis yun.

#4 Natikman ko ang imbang nestea ni Clow. OA sa tamis at tanging si Dan Dave lang ang nagustuhan ang timpla niya.

#5 Naranasan kong maging papel at masulatan ng kurecolor sa buong katawan. (test daw kung maliligo ako? pero tingin ko trip lang talaga nilang sulatan ako.)

#6 Naranasan kong mapaso sa murang super glue ng Joyce's

#7 Naranasan kong maglibot sa manila ng madaling araw para lang maghanap ng gawgaw.

#8 Marami din akong napanuod na mga movie habang gumagawa kami ng plate.

#9 Naranasan ko ang kakaibang breaktime. breaktime sa paggawa ng isang subject at paggawa naman ng ibang subject.

#10 Naranasan kong magsuot ng skinny jeans

Ilan lang ito sa mga kakakaibang experiences kapag puyatan at sigurado akong madadagdagan pa ito ng marami habang tumatagal.

Sobrang dami ding nangyari kasabay nito, mga away at di pagkakasunduan, lahat bunga ng pressure at stress pero wala naman kaming kaparapatang sisihin ang isa't isa dahil lahat naman kami ay may pagkakamali. Sana lang ay maayos namin ang mga gusot at kaguluhan sa isa't-isa. Magkaganito pa man. Masaya ako dahil nalampasan ko ang lahat ng ito. Marami akong natutunan sa mga karanasang ito at marami rin akong natutunan sa bawat isa.

Pagkatapos ng lahat, sembreak na!!

pinakaaabangan ng lahat ng estudyante. Makakatulog na rin ako sa wakas!! pero ngayong sembreak na, patuloy akong binabagabag ng aking isipan, ano bang magandang gawin? Sa totoo lang, mas mahirap para sa akin ang walang ginagawa. Nasanay na rin yata kasi ako na madaming ginagawa pag pasukan. Mas gusto ko rin na nakikita ang mga kaibigan ko at sama sama kaming gumagapang sa hirap (haha sadista ako eh.) kaysa magisa kong hinaharap ang torture na dulot ng boredome.

Sobrang dami kong naiisip at planong gawin pero sa bandang huli nauuwi ang lahat sa wala. Eto ang hirap kapag sobrang dami mong plano, hindi mo alam kung san ka magsisimula at sa bandang huli wala ka ring magagawa kahit isa sa mga plano mo. Totoo nga na ang mga bagay na hindi planado at biglaan ay ang mga bagay na madalas mangyari kaysa mga planadong bagay. Kaya ngayon, wala akong plano sa sembreak. Bahala na kung ano ang mangyari, susunod na lang ako sa daloy at maghihintay ng ibang tao na magbibigay sa akin ng direksyon.