Followers

Monday, May 24, 2010

Ang Langgam at ang Lungga.

Weeee nakauwi rin ako sa probinsya!! nakalayo na rin ako sa siyudad at sa walang sawang pagcocomputer. haha. gusto ko muna magrelax at enjoyin ang natitirang araw ng bakasyon ko kaya nakapagdesisyon akong manatili sa Batangas ng isang linggo. hehe

Isang araw. May 17, 2010. Sunday.
Hindi ko maliliutan ang amoy ng sariwang hangin sa bundok.
Ang mga simpleng tao na namumuhay sa simpleng paraan.
Ang misteryosong kakahuyan at kagubatan na bumabalot sa aking mga mapaglarong mga mata.

in short.

nagpunta kami sa talumpok. hehe

meron kasing mga nagimbita sa amin sa kainan doon. Masaya. maraming handa. parang fiesta. Meron ka ring natural scent na maamoy. ito ay ang tae ng mga baboy. pero nasanay naman ako sa amoy nang tumagal. hehe

Habang naglalakad ako sa kakahuyan. . .

nakakita ako ng bahay ng mga langgam. Hindi ko alam kung curiosity o sadyang gusto ko lang talagang sirain yun para makita yung loob. malay mo maging design inspiration pa to. hehe.

so sinimulan ko ngang teroristahin ang bahay nila. ano kayang itsura nito pag nakasection? pero imbis na hatiin. dinutdot ko ito gamit ang isang mahabang kahoy (patunay kung ano talaga ang intensyon ko.) hehe

habang dinudutdot ko ito ng kahoy. unti unting naglalabasan ang mga langgam. siguro sila ang mga kawal na prumoprotekta sa kanilang reyna. Malaki at kulay pula. Siguradong sa isang kagat nito ay deds ako.

Panandalian kong itinigil ang paninirang ginagawa ko.

Pinagmasdan ko silang mabuti. . .

Nagkakagulo na ang lahat.

Hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin at kung saang direksyon sila patungo.

Ano kaya kung ako yung langgam??

"Isang araw sa buhay ni Rommel Langgam" Episode 1.

Masayang naglalakad ang bidang langgam upang maghanap ng pagkain para iimbak sa kanilang lungga at paghatian ng kanyang komunidad.

Kasama niya sa paghahanap si Ai. Isa ring langgam na kaibigan niya mula pagkabata.

Masaya silang naghanap ng pagkain at magkasama silang bumalik sa kanilang lungga.

Nagulat ang dalawa sa kanilang nasaksihan.

Isang malaking alien ang sumulpot at sumisira sa kanilang tahanan.

Rommel Langgam: Ai Langgam. Dito ko ka lang. kailangan kong ipagtanggol ang tirahan natin maging kapalit man nito ang aking buhay. Kailangan protektahan ang reynang langgam para magpatuloy ang koloniya natin.

Nagkaroon ng madamdaming paghihiwalay ang magkaibigan at buong tapang na sumugod ang bidang langgam kahit alam niyang wala siyang magagawa at tanging kamatayan lamang ang naghihintay sa kaniya.

Itinaya niya ang kaniyang buhay alang-alang sa kanyang tungkulin. Isinugal niya ang pagibig ng kaibigan upang maipagtanggol ang mas nakararami.

-end-

Pano kung may ganito ngang eksena don??

kasalanan ko pala kung bakit hindi nagkatuluyan ang dalawang langgam na iyon.

Naisip ko bigla. Ako ang sumira sa katahimikan nila. :|

Siguro bago pa man ako dumating ay maayos ang buhay nila. may sistema at walang gulo.

Pero nagsimula itong masira nung dumating ako. Isang makasariling taong walang iniisip kundi ang sarili niyang mga interes.

Bakit hindi natin tuluran ang mga langgam?

handa silang ipagtanggol ang mga mahal nila. handa nilang gampanan ang kanilang mga tungkulin ng walang alinlangan. kahit buhay nila ang kapalit. Ang mga langgam na iniisip ang kapakanan ng ibang tao. Handang ipamahagi kung ano ang meron sila. Pantay-pantay. Masistema.

Bakit nga kaya hindi natin sila tularan? baka sakaling maayos pa ang bansa nating nababalot ng dumi at kaguluhan.











Thursday, May 6, 2010

Adventure guide: Tips

Tip #1: Siguraduhing malinaw ang paningin. Magsuot ng contact lense or salamin para makapaghanap ng maayos.

Isang halimbawa ay ang istoryang ito:

Isang araw. pagkatapos ng softball pe namin. . .

Jym, Raji at Rommel. Nakaupo sa gazebo upang hintayin ang iba pang ar3.

Raji: (napansing palingon lingon si Rommel) Ui. nagaadventure nanaman yang mga mata mo.

Rommel: hehe di naman. tinitingnan ko lang kung nasan yung iba. . .

Jym: ui maganda akong nakikita. (sabay turo sa direksyong tinutukoy)

Rommel at Raji: (tiningnan ang tinuturo) Asaaaan??!!!

Jym: ayan oh. di niyo ba kita? weak!!

Rommel at Raji: :|

Raji: ah. Jym. . .

Jym: Ayun nga oh. ang ganda. wait hintayin natin humarap.

Rommel: . . .teka asan yung salamin mo Jym?

Jym: sows. ayun nga o. sa may puno. tingnan niyo kasi ng mabuti.

Raji: ah. Jym. lalaki yung tinuturo mo. . .

haha epic fail na adventure ang naganap. kaya sa susunod na magaadventure, siguraduhing may suot na salamin.

Tip #2: Huwag makikipagpustahan.

Patutunayan ito ng isang kwento sa baba:

sa loob ng classroom. . .

nagtutulog ang iba. ang iba naman ay nagrurush na ng pagkopya ng assignment. may mga ibang naguusap at nagdadaldalan. kanya kanyang gawain habang wala pang prof.

Rommel: Ei sige ang susunod na papasok sa room, maganda.

Ilang sandali pa ang nakalipas. . .

wala pa rin. . .

ng biglang. . .

dahan dahang bumukas ang pinto.

sumulpot si Breva.

Rommel: ui guys tingnan niyo yung airplane sa labas o. ang cool! (sabay turo sa labas para mabaling ang atensyon ng mga kasama)

Tip #3: siguraduhing kasing kasarian mo ang kasama sa pagaadventure kung ayaw mong mamisunderstood.

Narito ang isang experience:

Rommel at Yang magkasama. (ewan ko kung bakit? hehe)

May dumaan na bus. . .

Yang: Oi sumusunod sa tingin yang mga mata mo sa bus Rommel.

Rommel: ah. hindi. parang may nakita akong kakilala. (isang attempt nanaman ng palusot).

Yang: wooshooo. palusot pa to.

May dumaang pogi. . .

Rommel: o. anong tawag mo dun sa ginawa mo? hahaha

Tip #4: "Best-friend" technique

Lunch buddies. kakatapos lang kumain. naglalakad sa field papuntang beato.

Inaasar namin si William. biglang nagtampu-tampuhan. Naglakad sa field at iniwan kami.

Pagkaraan sa field. Nakita namin si William na may kausap.

Kami: O_o. (as in yung gulat na gulat talaga. kulang na lang malaglag yung panga namin.) Sino yun?

Ui si William nagbibinata.. .hahaha

at dahan dahan kaming naglakad papuntang beato.

Rommel: (bumalik para sunduin si William)

William my friend! (sabay akbay)

Ano mauuna na kami? (tumungin ng meaningful kay william)

William: (agad naintindihan ang ibig iparating ng kaibigan.) Ah. Rommel, Si Ap*l nga pala. Ap*l si Rommel. kablock ko.

Rommel: Hi..

Ap*l: ngumiti. O sige aalis na ko may klase pa ko. bye. at kumaway sa amin.

LB: Sino daw yun?

Rommel: Ewan. Ap*l daw siya eh. hehe.
-o diba effective? hahaha

Tip #5: Coordinates.

Isang magandang paraan para sabihin sa kasama ang nakita nang hindi ka pagiisipan ng masama ng ibang tao. Instead iisipin pa ng mga tao na magaling ka at nagprapraktis ng math. haha

Sa lover's lane.

Lyle: 3 o'clock.

ah Lyle, 5 o'clock na. . .

Lyle: Hindi. may maganda sa 3 o'clock. tingnan niyo.

Jym: Nagets agad. hehe at nagawang magturo kaagad ng iba. ayun sa 9 o' clock.

Oo nga.

Mga tao: nakatingin sa amin. . .

(siguro iniisip nila. waw mga nabaliw na taga-arki.)

Tip #6: Piliin ng magandang spot upang maghanap.

-sa totoo lang. kahit saan naman may maganda. pero may mga lugar na nagkukumpulan ang mga magaganda. tulad na lang sa beato angelico. (uii. may mga tinamaan ba? hahaha)

kung gusto mo ng mga babaeng nakamake-up. sa building ka ng commerce maghanap. Maganda rin ang suot nila. Pang----. hehehe secret. bawal sabihin.

kung gusto mo ng mga babaeng athletic. edi sa gym or field ka tumambay.

kung gusto mo ng mga mukhang malilinis at simpleng babae. Sa medicine building ang magandang spot para diyan.

kung gusto mo naman ng caring at maasikaso. magpunta ka sa clinic at magpacheck-up.

kung ang hanap mo naman ay yung mga medyo cute at chubby. sa carpark marami niyan.

-maraming mapaghahanapan. nasasaiyo na lang yan kung saan at kailan.

Tip #7: Patience is a virtue.

Nangangailangan ng matinding pasyensa ang gawaing ito. kailangan lang ay matiyaga ka sa paghahanap at handa kang maghintay sa uwian ng ibang sections o college.

Isang kwento:

Rommel: naghihintay sa uwian ng section----

matiyaga siyang nakatingin at nakafocus sa pintuan ng beato.

ilang sandali pa. namumula na ang mata niya dahil sa hindi pagkurap.

makaraan ang ilang minuto. . .

ei guys wait C.R. lang ako.

pagkabalik.

Ui Rommel, nakita namin si *tooot*

Rommel: *inuuntog ang ulo sa puno*



Iyan ay ilan lamang sa mga tips sa pag-"aadventure". Maari itong makatulong sa inyo. pero wala pa ring tatalo sa sariling experience. kaya't sa paglipas ng panahon. marahil ay kayo mismo ang makakagawa ng sarili ninyong tekniks at paraan upang mas maging masaya ang inyong paghahanap. Happy Hunting!! hahaha



Bakit nga ba ginagawa ang pagaadventure?

para sa akin. masaya kapag may nakikita akong magandang dumadaan. nakakawala ng stress. pagod at iba pang negatibong elementong aking nararamdaman.

enjoy. lalo na pag may mga kasama ka. un lang naman ang point nito eh. . .ang magenjoy. kahit minsan, hindi kaenjoy-enjoy ang mga nakikita mo. masaya pa rin lalo na pag wala kang magawa. try mo. haha.

Para sa mga babae: Ayaw niyo nun? may mga lalaking nakakapansin ng ganda niyo? hehehe

pero ang pinakamahalaga sa lahat. walang bastusan. bad un eh. trip trip lang. hanggang tingin lang po. at sa mukha lang!! hehehe.











Wednesday, May 5, 2010

Magulo ang buhok ko. Magulo rin ang buhay ko.

Gumising ako ngayong umaga. Pawisan. Ngayong bakasyon lagi akong nagigising sa pawis. Napakainit. Nakakainis na. Tumitindi na talaga ang global warming sa mundo. Hanggang kailan kaya matitiis ng ating mundo ang pagsirang ginagawa natin dito? bibigay din yan. balang araw. . .

Siyempre pagbangon, diretso laptop. Naging parte na yata ito ng ritual ko sa pangaraw-araw na buhay. Minsan naiisip ko kung isa na ko sa mga "computer geeks". Siguro nga ay adik na ko. Adik sa computer. Adik sa internet. Adik sa facebook. Sino bang hindi?\

Tanghali na. panandalian ko munang itinigil ang pagcocomputer ko dahil pupunta ako ng LTO upang kumuha ng student permit para sa driving school. Sinamahan ako ng tatay ko papunta sa Tayuman kung saan nandoon ang LTO.

Habang nasa daan ay hindi ko mapigilan ang tumingin sa paligid. Ito lang naman ang magagawa ko upang aliwin ang sarili. Tingin sa mga bahay. Tingin sa mga gusali. Tingin sa mga iba't-ibang establisimiyento. Isa lang ang aking napansin. Ang dumi. Ang dumi dumi ng paligid. Ito ay dahil sa mga flyers at posters ng mga kandidatong tumatakbo para sa posisyon sa gobyerno. Hindi ba pwedeng i-ban na lang ang pagdikit at pagbibigay ng mga ganyang flyers at advertisements? Nakakasira na ng ulo ang makita ang mga mukha nila bawat kanto at bawat lugar. Mga nakangiting mukha na pilit nagpapapansin sa mga tao.

Kung pwede lang na pagbawalan ang ganyang uri ng pangangandidato. Pwede namang pagsama-samahin na lang ang mukhang yan sa iisang billboard o poster na lang. Mas lilinis pa ang paligid. Makakatulong pa tayo sa kalikasan. Hay. kelan kaya magkakaroon ng pagbabago?.

Unti-unting nabaling ang aking atensyon sa mga pangyayaring naganap. bumusina ng bumusina ang aking tatay. ng biglang. . .Booooom! naatrasan kami ng isang bus. Galit na galit na lumabas ang aking tatay para tawagin ang driver ng bus. Nakaupo lang ako sa loob ng kotse. naninigas. hindi alam ang dapat gawin habang pinapanood na magbangayan ang aking tatay at driver ng bus. Maya-maya pa ay may dumating na na pulis. Ngunit imbis na ayusin ang lahat. mukhang kumampi pa sa driver ng bus. Siyempre galit na galit ang aking tatay at hindi magpapapigil. mataas kasi ang pride nun. Isang bagay na masama para sa lahat. Sa isip ko, hindi ba pwedeng patawarin na lang ni tatay ang driver? hindi rin naman masyadong matindi ang pinsala sa kotse. Bakit ganun ang mga tao? hindi ba pwedeng magpakumbaba na lang ang isa't-isa para wala nang away? pero huli na ang lahat. ganon naman yata talaga ang mga tao at hindi na ito mababago pa dahil naging natural na ito para sa atin.

Natapos na awayan. Pumasok si tatay sa kotse at mukhang galit na galit dahil nga sa ginawang pagkampi ng pulis dun sa driver. "Sira ulo yung pulis na yun. kumampi pa sa driver. siguro sinuhulan yun. ." nagpatuloy na kami sa paglalakbay patungo sa LTO.

Sa isip ko, tama nga ang narinig ko sa news nung isang araw. Paghindi sang-ayon sayo ang mga nangyayari pilit mong sisisihin ito sa isang masamang dahilan. Pano kung tama nga naman yung pulis at hindi nakita nung driver yung kotse namin dahil nasa likod na likod ito.

Dumating na rin kami sa LTO ngunit parang ayoko nang ituloy. Napakaraming tao. Ang init. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay pinagpapawisan na ako. Pero may binigay na pangalan sa akin yung driving school na pinasukan ko. Pumunta ako sa isang window at nagtanong, nasaan po si Ma'am *censored*? Babae sa counter: Ah. dito po kayo sa loob. Ako: waw ano to V.I.P access? pumasok ako sa loob ng office. airconditioned. ang lamig. ang sarap sa pakiramdam. Pumasok ulit ako sa isang silid at nakausap si Ma'am *censored* sabay tinananong, "ano pong kailangan niyo?" Ako: Ah. galing po ako sa *censored* Driving School sabi po ay magpaassist ako sa inyo. Ma'am *censored*: ah sige. ilabas mo na yung requirements mo at umupo ka muna diyan sandali. tatawagin ka na lang pag tapos na. Nilabas ko ang mga requirements. Nilabas ko rin ang sobre na nagkakalakip ng salapi. (marahil ay suhol ito).

Napaisip uli ako. (mahilig ako magisip-isip. hindi man halata.) hehe. Nakaramdam ako ng guilt dahil nakikita ko yung mga tao sa labas, nakapila, napapagod, nagdurusa sa init. habang ako. nandito. nakaupo sa isang airconditioned room. Palakasan ba talaga? Nadadaan ba ang lahat sa suhol? Nasan na ang hustisya at pagkakapantay-pantay? nasan na ang pagmamahal sa bansa? (wow mabanggit lang) hehe.

Sana sa darating na eleksyon ay manalo ang kandidato na nararapat sa pwesto. may suhol man o wala. kurakot man o hindi. dahil hindi na rin naman natin maaalis ito sa ating pagkatao.

Natapos na ang isang kakaibang araw. Nakauwi na rin ako. Eto. Nasa harap nanaman ng laptop. Nagiinternet. Nagfafacebook. Nagbloblog. Maya maya ay matutulog nanaman para sa bagong araw kinabukasan.





Tuesday, May 4, 2010

Alamat ng "Adventure" part 5

I

Habang nagsasayaw ang dalawa sa di kalayuang lugar. . .

(Whoa! Me ganon?!> hahaha

biglang dumating sina WillyWilly at Chiz. . .

WillyWilly at Chiz: Anong ibig sabihin nito??

*biglang nahinto ang background music*

panandaliang nagkaroon ng katahimikan. . .

Prinsipe RalphRalph: Sandali. Magpapaliwanag ako.

WillyWilly: Tama ba itong nakikita ko? sabihin niyong isang panaginip lang ito!!

Chiz: Hindi kami makapaniwalang magagawa mo to samin ni WillyWilly.

-Ang magsayaw ng hindi kami kasama-

Prinsipe RalphRalph: pero. biglaan ang lahat. wait. i can explain!. hindi ko alam na magkakaroon ng dance break. yayayain ko naman talaga kayo.

Michael: O siya. itigil na natin ang usapang ito at ituloy na ang pagsasayaw. . .

TUGS TUGS TUGS TUGS TUGS.

matapos ang epic disco break. . .

so mga dud ano nang balak natin??

Chiz: Ako kailangan ko talagang isa-isahin yung mga magandang babae. este hanapin pala yung diyosa. hehe.

WillyWilly: kung saan pumunta ang prinsipe doon ako. parang may choice ako diba?

Michael: ako magso-soul searching muna ako.

Prinsipe RalphRalph: kung gayon. isa lang ang ibig sabihin nito. . .pagsikat ng araw sa ikapitong bundok ng pag-asa, lalabas ang mahiwagang ibon ng pagmamahal. pero share ko lang yon. . . napagdesisyunan ko na talaga na pumunta sa lungga ni Migipis. wala lang looks cool. Medyo horror. baka nandun yung diyosa at naghahangout or kinidnap siya ni Migipis. . .

so ano sa tingin niyo guys?

Chiz: ako game ako diyan.

WillyWilly: yah. right. wala nga akong choice kundi sumunod diba?

Michael: Ahm. sige. marami sigurong souls dun. dun na lang ako magsosoul-search.

WillyWilly: korni much. :|

Prinsipe RalphRalph: ok! let's go guys!

II

naglakbay ang mga bida papunta sa lungga ni Migipis.

hindi nila alam kung saan iyon. pero nagpatuloy nalang sila sa paglalakad.

nang biglang. . .

nauntog si Chiz sa isang billboard.

"This way to Migipis's Lair"

Chiz: Ah. guys. feeling ko dito yung daan. . .

WillyWilly: feeling mo lang yun.

Chiz: hindi nga. ayan o. nakalagay.

Prinsipe RalphRalph: oo nga no? this way daw. tara.

nagpatuloy nga sila sa paglalakad. . .unti unting naging liblib ang lugar. . .

narating nila ang sinasabi ng billboard. . .*kumikidlat kidlat*

Prinsipe RalphRalph: eto na yata yun. tara pasok tayo. . .

III

Setting: isang madilim na kastilyo. kumikidlat nang kumidlat para mas nakakatakot ang ambience.

Pagpasok sa loob. . .Nagulat ang lahat sa kanilang nasaksihan. Hindi nila inaakala ang mga pangyayari. . .

Napakalinis ng loob. at napakaliwanag. may tugtog pa na Canon in D sa piano. in short. maganda.

Nagtaka silang lahat. . .

WillyWilly: is this some kind of joke?!

Chiz: Joke man o hindi. nandito na tayo. wala nang atrasan.

Naglibot sila sa loob ng palasyo. . .hanggang makarating sila sa Main hall. . .

sa main hall. . .

may taong nakaupo sa tronong mukhang office chair.

umikot ang upuan at humarap ang misteryosong tao sabay ngiti.

nagulat ang lahat. . .biglang nagroon ng hindi maipaliwanag na liwanag mula sa mga ngiti ng misteryosong tao.

WillyWilly: aaaaah!!! ano to?!! my eyes!! its burning!!!

Chiz: (hinihingal at nagcollapse)

Prinsipe RalphRalph: (naghihingalo at nangingisay)

Michael: O_o

Misteryosong tao: Tama na. O.A. na. . .

Misteryosong tao: Ano bang kailangan niyo sakin?

Prinsipe RalphRalph: *tumayo na mula sa pangingisay* Huwag ka nang magmaang-maangan pa!! Ilabas mo na ang diyosa!! alam naming tinatago mo siya dito Migipis!!

Migipis: Anong?--

Chiz: *bumangon mula sa pagkacollapse* Oo. "Anong?" nga. Anong akala mo samin? hindi namin maiisip na kikidnapin mo siya?

Migipis: Pero---

WillyWilly: *kinusot ang mata upang makarecover sa kanyang mga nasaksihan kanina* Pero nagkakamali ka! At nandito na kami ngayon para bawiin ang diyosa!!

Migipis: Sandale!!! patapusin niyo muna ako at huwag niyong dugtungan ang sinasabi ko!!

Anong kinidnap ang sinasabi niyo?? Sinong diyosa??

Michael: heh. magaling kang umarte.

Migipis: Pero hindi ko nga alam ang sinasabi niyo. Isa lang akong Manager sa Villa na ito. . .

*itinuro ang karatula sa likod*

"Migipis. the perfect spot for you to take vacation!" Hurry! limited rooms are offered.

at may tagline na: "Don't worry. i won't bite! but the cockroaches do! so reserve your rooms now!"

Prinsipe RalphRalph, WillyWilly, Chiz, at Michael: O_o

Migipis: yan ang hirap sa inyo eh. masyado kayong mapanghusga.

Tinitingnan niyo lang ang panglabas na anyo ng mga bagay. Hindi niyo muna kinikilala ng mabuti ito, sa halip, agad kayong nanghuhusga sa kung ano ang nakikita niyo. Tsk.

Prinsipe RalphRalph: pero ikaw ang nagpapasugod ng mga kawal sa palasyo namin?? at sabi nila ay masama ka raw.

Migipis: Isa pa yang pagkakamali. Masyado kayong nagpapaniwala sa mga sabi-sabi. sa mga tsismis. Bakit hindi niyo na lang subukang alamin ang katotohanan?

Nagpapadala ako ng mga kawal sa palasyo niyo upang imbitahan kayo dito sa aking Villa.

at masama? ako masama? hindi lang ako nagbigay ng discount, masama na ako agad? sheesh. Alam ba nilang holiday ngayon? at walang discount pag holiday! Nagtratrabaho ako ng maayos dito upang kumayod at may ipakain sa aking pamilya tapos ano? sisiraan lang nila ako? nasaan na ang hustisiya?? nasaan na ang pagmamahal sa bansa??

(pinapatugtog ang Magkaisa ni Virna Lisa)

III

Prinsipe RalphRalph: Hm. Kung hindi ka masama, at wala sayo ang diyosa, kung gayon, nasaan ito??

Panandaliang nahinto ang paguusap dahil sa isang malakas na pagbukas ng pinto. . .

Biglang may sumigaw. . .

Itigil ang kaguluhang ito!!

-Nagulat ang lahat dahil wala namang nangyayaring kaguluhan at dahil na rin sa Grand Entrance ng isang misteryosong tauhan.-

Hindi siya ang masama. . .ang totoong kumidnap sa akin ay si Magugulat ka! (Babala: Spoiler! Huwag ihi-highlight! Magugulat ka!)

(sabing Magugulat ka! eh. . .)

(Ang kulit sabing huwag ihighlight. Mga Pilipino talaga, di marunong sumunod sa instructions.)

Ako ang Diyosa ng Kagandahan! Ako si Mistiu.

(Naulit ang mga pangyayari kanina. Pero mas O.A. ang reaksyon ng lahat.)

Oo. Ako nga. Kinidnap ako ni. *censored*

Mga tauhan: HuuuH? sino si *censored*??

-biglang may tumawa ng malakas-

*isang pamilyar na evil laugh ang narinig ng lahat*

Muhuhuhuhuhahahahah Muhuhuhuuhahahahaha Muhahahahahihihiahahahahahihahiha.

Ako nga.

Ako ang *censored* na sinasabi ng diyosa. . .

WillyWilly???

Oo. Ako ang kumidnap sa diyosa. Ako rin ang nagsetup sa paglalakbay ng prinsipe at nang lahat nang involve dito. Ang galing ko no? I'm so brilliant, right?

Pero. . .

Hindi ako masama. . .

I hava no choice. . .

Ginawa ko lang ang inutos sakin.

Then came my brilliant plan.

Prinsipe RalphRalph: Pero sino ang may pakana nito??

WillyWilly: Sino pa ba kundi ang mga magulang mo!

Prinsipe RalphRalph: Huuwaaaaat???!!

Hindi totoo yan. Nagsisinungaling ka lang. . .(nagfetus position habang supsup ang hinlalaki at gumugulong gulong sa sahig))

WillyWilly: bakit naman ako magsisinungaling? sabi ng parents ko, Bad yun.

Prinsipe RalphRalph: Pero bakit??

-walang eksena ang ibang tauhan kaya't umupo na lang muna sila sa tabi at nanood habang kumakain ng popcorn.-

WillyWilly: Kasi nagpaparty sila. . .

Prinsipe RalphRalph: Bakit kailangan pa nilang ilihim sa akin ang lahat?. . .

WillyWilly: Ginawa lang nila ang kung sa anong tingin nila ang makakabuti para sa iyo. Inisip lang nila ang kapakanan mo!

Prinsipe RalphRalph: I feel so betrayed.

WillyWilly: Tama na ang drama. At tapusin na natin ito. sabay hugot sa kanyang laruang pokemon na nagwiwisik ng tubig. pero. bigla itong nagtransform at naging espada ni Voltes V. (Tatoe arashi ga hukuo tomo. Tatoe ooname areru tomo. . . at pinatugtug nga ang theme song ng Voltes V na nababagay para sa mga susunod na kaganapan.)

Prinsipe RalphRalph: pero bakit kailangan pa nating maglaban?

WillyWilly: Hindi mo pa rin ba naiintidihan? Nasa Climax na tayo ng mga pangyayari. kung saan nabunyag na ang lihim ng kontrabida at nasaktan na ang bida. Nangangahulugan na oras na para sa isang matinding fight scene. Kung saan nakasalaylay ang magiging kapalaran ng bawat tauhan ng kwento.

Chorus:
BORUTESU FAIBU ni
subete wo kakete
Yaruzo chikara no tsukiru made
Chikyuu no yoake ha
mou chikai.

(ui. sinabayan niya yung kanta sa isip) hahaha

IV

Sandaleee!!!

*tumayo si Chiz at inilabas ang kanyang Jungle Sword*

Mga nanonood: boo! boo! weh. epal.

(medyo pahiya ng konti si Chiz)
*dahan dahan siyang bumalik sa kinauupuan*

WillyWilly: Tapusin na natin ito!!

*Sumugod papunta sa prinsipe

Hiyaaaaaa!!!

Pero hindi man lang gumalaw ang prinsipe. Nastroke ata.

Sumigaw uli ang kalaban.

Hiyaaaaa!!!

Wala pa ring reaksyon ang prinsipe. :|

Prinsipe RalphRalph: itigil na natin ang kalokohang ito. babalik na ko sa palasyo. I had enough of this day already. . .

Mukhang badtrip. . .

Nagpunta siya sa balkonahe.

tumayo lang at nagemo.

nang biglang may lumapit sa kanya. . .

Si Klarissa. (teka san galing to? bigla biglang sumusulpot?) hehe

Klarissa: Ang ganda ng langit no? (pilit pinapagaan ang loob ng prinsipe)

Prinsipe RalphRalph: oo nga. sa sobrang ganda gusto kong sirain.

Klarissa: Emo naman nito.

Prinsipe RalphRalph: bakit ganon? ginawa ko naman ang lahat? naging good boy naman ako? bakit ganito ang igaganti nila sakin?

Klarissa: Alam mo. Hindi sa lahat ng bagay ang nakikita at naiisip natin ay tama. Merong dahilan ang lahat ng bagay. Siguro ay may matinding dahilan ang mga magulang mo. Siguro ay para turuan ka nila ng leksyon sa buhay: Ang mag grow-up at harapin ang bawat pagsubok sa buhay.

Prinsipe RalphRalph: Marahil ay tama ka nga. Marami rin akong natutunan sa aking paglalakbay. Marami rin akong nakilalang mga kaibigan. Isa ka na roon.

Klarissa: Masaya rin ako na nakilala ka. O pano sige aalis na ko. .

Prisipe RalphRalph: Sandali! bago ka umalis may sasabihin ako.

(yung eksena na nakatalikod yung babae at yung isang kamay ng lalake ay nakaangat para pigilan ang babae)

Klarissa: Ako rin may sasabihin. Salamat!

(kala mo raji ah! hahaha)

Prinsipe RalphRalph: Uhm. ako rin. Salamat! . . .

bumalik na nga ang prinsipe sa loob.

medyo nagkakagulo na ang lahat

Ang Lahat: Blah. Blah. Blah. Usap. Usap. Usap.

Nilakasan ng prinsipe ang pagbukas ng pinto para grand entrance at mapukaw ang atensyon ng lahat.

natigilan sa paguusap ang mga tao.

Prinsipe RalphRalph: Nakapagdesisyon na ko. Babalik na ko sa palasyo upang harapin ang aking mga magulang.

WillyWilly at iba pa: Pero sandali! sasama kami.

Prinsipe RalphRalph: Sige. Kung yan ang nais niyo.

Bumalik nga sila sa palasyo.

Pagbukas ng prinsipe ng pinto. . .

Maayos ang lahat. walang pinagbago. maliban na lamang sa mga flyers ng mga kandidatong tatakbo na nakadikit sa paligid.

Chiz: Hm. ang dumi tingnan.

Dumiretso sila sa Main Hall. Naroon at nakaupo ang Hari at Reyna.

Haring JymmyJymmyboomboom: nakabalik ka na anak!

Reyna YangYang: maliligtas na rin ang buhay ko!

Haring JymmyJymmyboomboom: nasaan na ang "The Bar"?

Prinsipe RalphRalph: Hindi ko po ito nakuha.

Haring JymmyJymmyboomboom: Huwaaaat??

Prinsipe RalphRalph: Alam ko na po ang lahat.

Reyna YangYang: (tumayo mula sa wheelchair na parang walang sakit) Wait. We can explain anak.

Prinsipe RalphRalph: Tama na po. Nasaktan na ko.

ang sakit. ouch. ang sakit sakit. para akong nahulog sa tuktok ng main building at nabuhay pa.

pero sige. explain.

Haring JymmyJymmyboomboom: ayaw ka namin na madamay sa party. ginawa lang namin kung ano ang makabubuti sayo anak. kaya't nagisip kami ng plano para mailayo ka sandali.

Prinsipe RalphRalph: pero maiintindihan ko naman kung inexplain niyo. hindi na ko bata. alam ko na ang tama at mali. nakakapagdesisyon na ko sa sarili ko.

Haring JymmyJymmyboomboom: patawarin mo kami anak. siguro nga ay masayado ka naming trinatong bata. hindi namin napapansin na lumalaki ka na at balang araw ay iiwan mo rin kami. *maluha luha na*

tumakbo ang prinsipe papunta sa kanyang mga magulang at niyakap niya ang mga ito. Napawi lahat ang nararamdaman nilang hinanakit sa isa't isa.

Biglang pinatay ni chiz ang switch ng ilaw.

Ano to panibagong plot??

Chiz: Hindi. its time to parteyy!!!

Lumabas ang isang disco ball mula sa taas. Nagkaroon din ng cool na disco music at siyempre si DJ Sly ang may pakana nito (siya rin ang may pakana ng mga backgound music at sound effects.)(hehe sorry konti exposure)

nagsayawan nga ang mga tauhan. kitang kita sa kanilang mga mukha ang saya. patunay na isa itong happy ending.

TUGS TUGS TUGS TUGS TUGS TUGS.

The End

(Paalala: ang mga tauhan sa kwento na ito ay piksyunal lamang. Ang lahat ng nakakarelate, natatamaan or may naaalalang ibang tao. well. nagkataon lang yun. co-incidence ba kung tawagin. hehehe)




































Monday, May 3, 2010

Alamat ng "Adventure" part 4

I

Ang nakaraan: nakilala ng prinsipe at mandirigma ang isang taong gubat. Napadpad sila ngayon sa isang beach na puno ng magagandang babae. Ano kaya ang mangyayari sa kanila??

Ihihihihi. . . .Ihihihihih. . . .isa pa. . . Ihihihihi. . . Narrator: Mukhang may tumatawa ng masama. . .

Ihihihi. . .nahulog sa aking patibong ang prinsipe. . .

Samantala, habang tumatawa ng masama ang isang misteryosong kontrabida, nagsasaya ang tatlo sa beach na puno ng magaganda. . .

Chiz: patuloy pa rin sa pag-"aadeventure". Nagbabakasakali na mahanap ang diyosa ng kagandahan.

WillyWilly: naglilibot sa beach at naghahanap ng mga kalaro. nakakita siya ng mga batang gumagawa ng kastilyong buhangin.

lumapit siya dito. . .

WillyWilly: Ew. What's with that? Is that what you call sand castle? ampangit. sa sobrang pangit gusto ko nang magpakalunod. Wala pang entourage. Siguro kung teacher niyo ko sa design, nagresign na ko sa pagtuturo. Sabay sipa sa kastilyong buhangin ng mga bata.

Gumuho ang kastilyong buhangin. Gumuho na rin ang kanilang mga pangarap. Ito ay dahil sa kagagawan ng mga magagaling at matataas na taong pilit tinatapakan at niyuyurakan ang ibang taong walang ginagawang masama kundi ang magtiwala sa kanilang mga pangarap kahit na ito pa man ay imposible. (Oops. may natatamaan. hahaha)

Samantala,

Nakaupo lamang ang prinsipe sa may dalampasigan ng biglang may nakita siyang tumatakbo papalapit sa kanya. . .

makalipas ang ilang oras. . .

tumatakbo pa rin papalapit sa kanya ang isa nanamang misteryosong babae. parang slo-mo siya at feel na feel ang pagtakbo.

Ilang sandali pa. . .Nadapa siya. Pero with poise. Isipin mo na lang yung komercial ng tanduay. . .oops tama na. hehe.

Tumayo siyang muli at tumakbo papalapit sa prinsipe.

Hi! ako nga pala si Bernize. call me Ate Bez.

Prinsipe RalphRalph: Huh? kapatid kita??

Ate Bez: Hindi. tawag lang nila yun sakin. hihi. bata pa talaga ko.

Prinsipe RalphRalph: ah. so anong kailangan mo?

Ate Bez: wala akong kailangan sayo. baka ikaw merong kailangan sakin. hihi.

sabay labas ang isang bote na parang bote ng alak. . .

Narrator (boses ni Boy Abunda): Sino ang babaeng ito? Siya kaya ang kontrabidang kanina pang tumatawa? o ito nga kaya ang diyosa ng kagandahan? posible nga ba na ang hawak niyang bote ay ang "The Bar"? Susunod. Abangan.

(pinapatugtog ang Kastilyong Buhangin ni Basil Valdez). . .

II

Samantala,

Tumatawa pa rin ang misteryong nilalang sa di kalayuan.

ihihihihi. . . .ihihihhi. . . .sa oras na inumin ng prinsipe ang bote ng alak na yon. magagawa ko na ang lahat sa kanya. . .

Ate Bez: oo ito nga ang hinahanap mo. . .ngunit bago mo ito makuha, kailangan mo munang uminom mula sa boteng ito.

Prinsipe RalphRalph: (mukhang matatapos ko na ang aking misyon). kinuha ang misteryosong bote at uminom. Gulp. . . hindi pa nakuntento. . .Gulp. . .isa pa ulit. . .Gulp. . .at naubos niya ang laman ng bote. . .

maya maya pa, nakaramdam siya ng hilo. . .at tuluyan na siyang nawalan ng malay. . .



unti unting nagising ang prinsipe dahil sa kakaibang tawang kanyang naririnig at dahil na rin sa malakas na background music na Bad Romance ni Lady Gaga. . .

Hihihihi. . .gising ka na pala. . .

Prinsipe RalphRalph: Ah!! Sino ka? anong ginawa mo sakin?!

Misteryosong kontrabida: ihihihi. . .tama. . .may ginawa nga ako sayo. . .ihihihi. . .

Ako nga pala si Michael. Naaalala mo pa ba ko?

III

Biglang naging sepia tone ang paligid. patunay na nagkakaroon ng flashback. . .

Bata 1: bata 2, laro tayo! dali!
Bata 2: sige bata 1, dun tayo sa dalampasigan. magtaguan tayo! ikaw taya!
Bata 1: bakit ako nanaman taya? lagi na lang ako?
Bata 2: kasi ang galing galing mo magbilang.
Bata 1: -naflattered at nagblush- hindi naman. sige tara na.
sa dalampasigan. . .
Bata 2: Ok sige magbilang ka na. pero hanggang 100,000 para makapagtago ako ng maayos. ok?
Bata 1: sige! . . .1. . .2. . .3. . .makalipas ang ilang numerong masakit sa mata. . .100,000. . .game? maghahanap na ko. . .
ngunit gabi na. . . hindi na makita ni Bata 1 ang paligid. May mga ingay at hiyaw siyang naririnig. Tunog ng mga hayop na handa ng kumain ng tao at maari ring tunog ng mga lasingerong nagvivideoke sa lansangan. . .
May kumalukos. . .sigawan. . .labanan. . .at ilang sandali pa. . .tahimik na muli ang paligid. . .

Unti-unting bumabalik ang kulay sa paligid. Tapos na ang flashback. . .

Michael: Oo. Ako nga si Bata 1. Iniwan mo ko sa dalampasigan. Muntik na akong kainin ng mga lobo at iba pang mababangis na hayop. Mabuti na lang iniligtas ako ng mga lasingerong naghahanap ng pulutan.

Hindi ko makakalimutan ang ginawang mong iyon sa akin. . .Kaya't nagisip ako ng plano upang makapaghiganti. At ito na nga ang tamang pagkakataon. Nalaman ko ang tungkol sa iyong paglalakbay kaya't naghanap ako ng isang babaeng magpapangap bilang diyosa at lalasingin ka upang dalahin dito sakin.

Prinsipe RalphRalph: Anong ginawa mo sa akin?

Michael: Malalaman mo rin yun pag tiningnan mo na ang sarili mo sa salamin.

Prinsipe RalphRalph: *humugot ng salamin sa bulsa* Ahhh!!! Eeek!! ano to? bakit andami kong sulat?? Kill me now! huhu. . .

Michael: ihihihihi. . ..hindi yan basta basta sulat. . .yan ay sulat gamit ang .8 staedtler tech pen ko. At alam mo ang ibig sabihin non?

Prinsipe RalphRalph: anong ibig sabihin non?

Michael: permanente na yan! hahaha. habang buhay kang mapapahiya! *kumidlat ng malakas*

kasabay nito ang pagbuhos ng matinding ulan. . .

Nalungkot ang prinsipe. hindi niya alam ang nagawa niyang sakit sa dati niyang kaibigan. Nagsisi siya at inisip na baka tama lang ang nangyaring ito sa kaniya. . .

ng biglang. . .

Ano ito?? hindi ito maaari!!

unti-unting natatangal ang mga sulat sa mukha at katawan ng prinsipe. . .

Sa mga sandaling iyon. Unti unting pumasok sa isip ni Michael ang mga nangyayari: Peke ang nabili niyang tech pen. . .Siguro ay sa kung saang tindahan niya lang ito nabili at hindi sa Joli's kung saan may kalidad at mura ang mga arki stuffs. (endorse muna ng konti) hehe.

Sa mga sandaling ito. Napaupo si Michael at umiyak dahil sa kanyang pumalpak na paghihiganti. Lumapit ang prinsipe at umupo sa tabi ng kontrabida.

Prinsipe RalphRalph: ah. . .ano. . .pano ko ba sasabihin to? . . .ui. . .sorry ha. . .hindi ko naman alam na gagabihin ka sa pagbibilang. Akala ko umuwi ka na e. kaya't umuwi na lang din ako. Hindi ko alam. Sorry ha. . .

Michael: Tumingin si Michael sa prinsipe at sinabing, ganun ba? sige pinapatawad na kita. Hindi rin naman masaya ang mabuhay na nababalot sa paghihiganti.

*pinalitan ang tugtog. Hindi na Bad Romance ang kanta. Just Dance na. . .

Katulad ng mga pelikulang pinoy na may sayaw sa dulo. Nagsayaw ang dalawa at naging magkaibigan muli. . .

Itutuloy. . .











Alamat ng "Adventure" part 3

Nagpatuloy sa paglalakbay ang dalawa. Nagpatuloy din naman ang pagpapartey sa palasyo. . .
Ngunit ang isang bagay na hindi na nagpatuloy ay ang pagunlad ng ating bansa dahil sa mga tiwaling pulitiko na yan na walang ibang alam gawin kundi ang mangurakot at unahin ang kanilang sariling interes. (ok? anong kinalaman. Nacacarried away ako sa nalalapit na eleksyon.) hahaha

Ayun nga. Naglalakad ang Mandirigma at ang Prinsipe sa isang kagubatan. ng biglang. . .

may sumulpot mula sa mga puno. . .

Rawr! Sino kayo?

Prinsipe RalphRalph at WillyWilly: sino ka din?

Misteryosong Nilalang: Ako si Rommel. Chiz for short.

Prinsipe RalphRalph at WillyWilly: huh? may sayad ata to? sabay snob sa Misteryosong Nilalang.

Chiz: Rawr! Sandali! Hindi kayo makakaalis! siguro may balak din kayong hulihin ang napakagandang Diyosa ng kagandahan ano? heh. asa pa u.

WillyWilly: sinong diyosa ng----

ngunit bago pa man matapos ang kanyang line ay sumugod na si Chiz papalapit sa kanila.

WillyWilly: dali daling hinugot ang kanyang laruang pokemon na nagwiwisik ng tubig. Hiyaaaa! Squirt. Hindi man lamang ito umabot ng isang dipa.

Chiz: patuloy sa pagsugod gamit ang kanyang jungle sword. Hiyaaaa!! Jungle Slash!! (Sa mga nagtataka. Hindi po ako nanunuod ng Power Rangers. Hindi ko po alam na ang Power Rangers Wild Force ang gumagamit ng Jungle Sword. Wala rin po akong action figures nila.)

Tinamaan ang laruan ni WillyWilly at tuluyan itong nasira. Umiyak ang mandirigma at pumunta sa likod ng prinsipe.

WillyWilly: Boss mukhang malakas ang isang ito.

Prinsipe RalphRalph: Sige. Mahusay ang ginawa mo. *ibinaba ang iniinom na upsized coke at regular fries. *kanina pa yatang nanonood ang prinsipe.

Sa kaliwang panig, nakatayo ang prinsipe. Sa kanang panig, nakatayo si Chiz. Umihip ang hangin. parang eksena lang sa Wild West. Tinapakan ng Prinsipe ang lata ng coke para magmukhang cool at maangas. Ngunit. naalala niya ang sinabi ng mangkukulam. *gamitin mo ang iyong puso*

naisip niya na hindi karahasan ang sagot sa lahat ng bagay. marahil ay madadaan nila ito sa mabuting usapan.

Ngunit huli na ang lahat. . .Nauna nang idaan ni Chiz sa mabuting usapan.

Chiz: dapat na nating itigil ito. mukha namang iba ang pakay niyo dito. sabay talikod at patong ng jungle sword sa kanyang balikat para magmukha ding cool at maangas.

Prinsipe RalphRalph: Sandali! Maaari mo ba kaming tulungan?? Hinahanap kasi namin ang "The Bar"

Chiz: lumingon sa prinsipe. . ."The Bar" ba kamo? yan ba yung hindi alak at hindi pang party? yan ba yung nakakagamot ng mga karamdaman?

Prinsipe RalphRalph: Oo yan nga!!

Chiz: Mukhang magkakasundo tayo. . .

Ang "The Bar" na hinahanap niyo ay ginawa ng diyosa ng kagandahan. Ito ay para mapagaling ang mga taong nakikita niyang nagdudusa sa sakit. . .

At nagkuwento na nga ang bagong tauhan.

Kasi ganito yun. Nag-"aadventure" ako. kailangan ko ito upang iligtas ang aking tribo na nanganganib ng mawala dahil sa sumpa ng diyosa ng kagandahan. Kailangan kong mahanap ang diyosa at humingi ng tawad para sa ikalililgtas ng aking tribo. . .gets?

Prinsipe RalphRalph at WillyWilly: Nanay. Tatay. Gusto kong tinapay. . .Nahinto bigla. Ha? ano yun? tapos ka na ba magkwento?

Chiz: Kaya hindi tayo umuunlad eh! hindi kayo marunong makinig sa sinasabi ng iba! gusto niyo kayo lang. gusto niyo masunod kung anong gusto niyo. Ayan nagdradrama nanaman ako. kayo kasi eh.

Prinsipe RalphRalph at WillyWilly: ay sorry. ang haba kasi nung kwento mo. . .

Prinsipe RalphRalph: So sino ba itong diyosa na ito? saan ba natin siya matatagpuan??

Chiz: Hindi ko rin alam. Basta ang sabi sakin maganda daw ito. . .*biglang may tatlong babaeng nakabikini ang dumaan (oo, nasa kagubatan pa rin). Sinabayan ng lingon ng dalawa ang mga dalaga, habang kunwaring nagtakip naman ng mga mata si WillyWilly.

Chiz: Hayun! Sundan natin! baka isa sa kanila ang diyosa. . .

Doon nga nagsimula ang pag-"aadventure". Ngunit hindi pa nagtatapos dito ang alamat. Ano ang mangyayari sa mga bida? Sino nga ba ang diyosa ng kagandahan? Meron pa bang magagawang paraan upang mabuo muli ang laruan ni WillyWilly? Abangan. . .

Itutuloy. . .





Itinutuloy. . .

Sinundan ng tatlo ang tatlong babaeng nakabikini. Hindi nila napansin na nasa beach na sila.

Prinsipe RalphRalph: Waw may beach pala dito.

WillyWilly: Oo nga parang ang saya maligo.

Chiz: wait. parang suspicious eh. . .

*may dumaang maganda sa harap*

tara na guys! swim na us!

Sumunod ang dalawa at naligo.

ang hindi nila alam. pakana ito ng isang kalaban. . .

Itutuloy ulit. . .








Alamat ng "Adventure" part 2

Naglalakad ang Prinsipe at ang mandirigma ng biglang nakirinig si Prisipe RalphRalph ng ingay mula sa palasyo. . .

Prinsipe RalphRalph: Ano yun? may mga ilaw mula sa palasyo. . .mukhang nagkakagulo dun. Sinugod kaya kami ng mga alagad ni Migipis? Kung ano man ang nangyayari, kailangan kong bumalik. . .

WillyWilly: (Alam niya na nagpapartey ang mga tao dun dahil hindi rin siya pwede sapagka't siya ay bata) Huwag na po mahal na prinsipe! lubhang mapanganib. Kaya na po nila ang pagtatanggol sa palasyo. Ang mahalaga ngayon ay ang buhay ng inyong ina.

Prinsipe RalphRalph: *tumalikod upang magdrama, *humarap muli sa kasama. Marahil ay tama ka, halika't ituloy na natin ang ating paglalakbay.

Sandali lang. . .

Saan nga ba tayo pupunta??

WillyWilly: (nagpapanic. nagiisip ng lugar.) nako lagot ako nito sa hari at reyna pag nabulilyaso ang pagpapalayo sa prinsipe. . . *tumingin muli sa prinsipe. Ah. . .ang alam ko po. ang mangkukulam na si Klarissa ay naninirahan sa likod ng bundok na iyon. . .(naghanap ng ituturo.)

Prinsipe RalphRalph: Ano pang hinihintay natin? kailangan na nating magmadali!!

Lumipas ang ilang minuto. oras. araw. . .

Prinsipe RalphRalph: Mukhang dito naninirahan ang mangkukulam.

Isang malaking bahay na may karatula sa labas. Klarissa's Hair Salon at may tagline na "We will make your hair as beautiful as mine"

Prinsipe RalphRalph: Delikado ito. kailangan ko ng matinding plano. . .

Hm. . .

Prinsipe RalphRalph: WillyWilly ikaw muna ang papasok. tapos sabihin mo kapag papasok na ko.

WillyWilly: (ginawa akong pain?) O sige po mahal na prinsipe.

Dahan dahang pumasok pumasok si WillyWilly. . .

Pagpasok sa loob ng mapanganib na bahay. . .

"Welcome sir. ano po ang sa inyo? Haircut? Hot oil? o regular fries and drinks? (waw may sideline palang fastfood chain ang Klasrissa's)

WillyWilly: Nais kong makausap si Klarissa. Dalhin niyo ko sa kanya.

Mga Di kilalang Tauhan: ok sir upo lang po muna kayo diyan.

WillyWilly: saan? kiddie chair lang ang nandito?

Mga Di kilalang Tauhan: ay sorry po. nakalimutan namin yung party hat.

Ilang sandali pa. . .

Bumukas ang pinto, may kidlat at usok effects ulit. at may nagsalita.

Sino ang malakas ang loob na gumambala sa aking beauty rest?

WillyWilly: Ako po. . .

Klasrissa: Ipakita mo ang sarili mo!

WillyWilly: Nandito po ako.

Klasrissa: ay ang cute! nakaparty hat. *sabay kurot sa pisngi ng mandirigma.

Klarissa: Anong kailangan mo? *pisil pisil pa rin ang pisngi ng mandirigma.

WillyWilly: Noong unang panahon. . .at ikinuwento niya ang buong pangyayari.

WillyWilly: So anong masasabi mo? pwede mo ba kong tulungan? handa akong magbayad ng ginto.

Klarissa: ginto ba kamo? hm. sige. kailangan ko na rin ng pera para sa pagpapagawa ng bago kong branch.

At dahil nga nabibili ng salapi ang halos lahat ng bagay dito sa mundo. nagkasundo ang dalawa para sa isang matinding palabas na gaganapin maya maya lamang. . .

matapos ang maya maya lamang.

Prinspe RalphRalph! Prinsipe RaphRalfh! ano ba yan nabubulol na ko.

dali daling tumatakbo si WillyWilly papunta sa prinsipe.

WillyWilly: Nakapasok na po ako sa loob, ngunit ayaw akong kausapin ng mangkukulam. Hindi raw ako ang may kailangan sa kanya.

Prinsipe RalphRalph: Sige ako na ang papasok at kakausap.

WillyWilly: Sandali sasama po ako!

At pumasok na nga ang dalawa sa loob ng Salon.

Pagpasok sa loob. Madilim ang paligid. may tumawag sa pangalan ko. (hm. parang kanta to ah?)
Prinsipe RalphRalph. . . Prinsipe RalphRalph. . .Unti unting nawawala ang usok sa paligid. Bumukas ang spotlight. . .

"Ako ang maalamat na mangkukulam, Ako si Klarisse" (*tumutugtog ang Its the climb ni Miley Cyrus)

Napaupo ang dalawa sa takot. . . takot sa background music. . .

Klarisse: Alam ko kung bakit kayo nandito.

Prinsipe RalphRalph: bakit kami nandito??

Klarisse: Nandito kayo upang itanong sa akin ang lunas sa sakit ng iyong pinakamamahal na Ina.

Prinsipe RalphRalph: Oo nga pala!

WillyWilly: *nanginginig sa takot. aa-ah... kkll-aari-sse. pwe-pwede nnii-yo na pp-po bba-ng ii-hh-hinn-tto yyung backgg-ground muu-ssiic??

Klarisse: *pumalakpak at nawala ang tunog.

Klarisse: Ang tanging makapagliligtas sa iyong ina ay ang inumin na kung tawagin ay "The Bar" hindi yan alak. hindi rin yan pang party. yan ay isang maalamat na inumin na sinasabing nakapagpapagaling ng kahit anong karamdaman.

Ito ang mapa. ito ang gagabay sa inyo, sa inyong paglalakbay.

Prinsipe RalphRalph: ngunit walang nakalagay dito? parang ordinaryong buff paper lang?

WillyWilly: pumunta sa likod ni Klarisse at bumulong. Ano yan?

Klarisse: wag kang magulo! wala na kong oras magdraft ng mapa! ako nang bahala.

Klarisse: Hindi yan isang ordinaryong mapa. Yan ay isang antik na mapa.

Prinsipe RalphRalph: so?

Klarisse: So. kailangan mong sundan kung ano ang sinasabi ng iyong puso. Ngunit. magiingat ka. minsan ang puso natin ang magdadala sa atin sa kapahamakan. Humayo ka at tapusin mo ang iyong misyon!

Prinsipe RalphRalph: Sige Maraming salamat mangkukulam. (sa isip niya: ang ganda niya para sa isang mangkukulam) (Oops! ito ba ang ibig sabihin na pag-gamit sa puso?) (Mukhang kailangan kong magsanay upang makontrol ito.)

Klarisse: Bago kayo umalis. bibigyan ko kayo ng munting regalo. Sabay abot kay Prinsipe RalphRalph ng plastic na may lamang Quaterponder cheeseburger at Upsized Coke and Fries. At may inabot din siya kay WillyWilly. Isang Happy Meal na may kasamang laruan na Pokemon yung nagwiwisik ng tubig. Magagamit niyo yan sa inyong paglalakbay.

Umalis ang dalawa dala ang pagasa ng hinaharap na pagtatagumpay at dala ang happy meal na naglalaman ng mga pangarap ng bawat batang lansangan, ang makakain sa Mcdo.

Itutuloy. . .

Alamat ng "Adventure" part 1

Photobucket

Noong unang panahon, sa isang malayong kaharian, kung saan sa sobrang layo ay walang nakakaalam kung saan, may namumunong hari at reyna, sila ay si Haring JymmyJymmyboomboom at Reyna YangYang. Sila ay may anak, si Prinsipe RalphRalph. (tradisyon na ata sa kanila ang inuulit na pangalan.) hahaha.
Ayun nga. Isang araw. . .katulad ng ibang hari sa mga alamat na walang alam gawin kundi ang magkasakit, nagkasakit si Reyna YangYang (para maiba naman.) Agad na pinatawag ni Haring JymmyJymmyboomboom ang kanyang anak para sa isang pagpupulong.

Haring JymmyJymmyboomboom: *ubo *ubo *singhot. anak, alam naman natin kung ano ang sitwasyon ng iyong pinakamamahal na ina. . .*ubo *ubo

Prinsipe RalphRalph: Opo ama. Kung mayroon lamang po akong magagawa. . .

Haring JymmyJymmyboomboom: Meron kang magagawa. Buhay ka pa at humihinga. Malakas pa ang katawan mo. Hindi katulad ko, matanda na at nanghihina *fake na ubo *fake na ubo.

Prisipe RalphRalph: Ano po ang aking magagawa?

Haring JymmyJymmyboomboom: Ayon sa alamat,. . .

Prinsipe RalphRalph: Hindi po ba isang alamat din ito?

Haring JymmyJymmyboomboom: bakit bawal ba?

Prinsipe RalphRalph: ah. nagtatanong lang po. sige ituloy niyo po.

Haring JymmyJymmyboomboom: Ayun nga. Ayon sa alamat. Ang sakit na nakuha ng iyong ina ay lubhang mapanganib at mayroon lamang isang lunas. Ito ay hindi ko rin alam dahil hindi ito sinabi sa alamat. Ngunit. Mayroon akong kilala na baka nakakaalam nito, Ang mangkukulam na si Klarissa. (sabay kidlat ng matindi)

Bibigyan kita ng kasama sa iyong paglalakbay.

Haring JymmyJymmyboomboom: Magiting na mandirigma! maaari ka nang pumasok!

*bumukas ang pinto, may malamig na simoy ng hangin na pumasok sa loob ng silid. Ilang sandali pa.

Prinsipe RalphRalph: O_O

matapos ang ilang oras. . .

Prinsipe RalphRalph: O_O

maya maya pa.

Prinsipe RalphRalph: Nasan na?

Misteryosong Tauhan: Nandito ako!

Prisipe RalphRalph: *Tingin sa kaliwa, Tingin sa kanan, Tingin sa Taas. (invisible ba to? cool!) Tingin sa baba. O_O . . .hhhhaaaadhgkasfjklfgkfldgdjf! Sino Ka???

Haring JymmyJymmyboomboom: Siya si WillyWilly. Mukha lang siyang bata, pero ang totoo bata lang talaga yan. Ngunit. wag mo siyang mamaliitin. Kaya niyang talunin ang isang daang kawal ng walang kahirap hirap.

Prinsipe RalphRalph: weh? di nga?

WillyWilly: oooooppoooooo. kaaaaayyyyaaaaa kooooo pooooonggg gaaaaawwiiiin yooooon. (habang pinapatugtog ang theme song ng Agua Bendita)

Prinsipe RalphRalph: (Hindi pa rin makapaniwala sa makakasama) Sige po. Maraming Salamat po. Bago ako umalis. Nais ko pong makausap ang reyna.

Haring JymmyJymmyboomboom: Mga kawal, dalhin dito ang reyna!

Bumukas ang pinto. May malamig nanamang simoy ng hangin ang pumasok. May usok effects pa. sabay pasok ng reyna na nakasakay sa wheelchair. mukhang nanghihina at matamlay.

Reyna YangYang: Prinsipe RalphRalph, magiingat ka sa iyong paglalakbay. Ikamamatay ko kung may mangyari sa iyong masama. *ubo *ubo. Ikaw lang ang nagiisa at pinakamamahal kong anak. Heto ang kwintas ko. Nawa'y gabayan ka ng ating mahal na panginoon.

Prinsipe RalphRalph: Maraming salamat po. *halik sa pingi ng nanay* sabay alis ng palasyo.

ilang sandali pa. . .

Reyna YangYang: wala na ba?

Haring JymmyJymmyboomboom: Oo mukhang malayo na. . .

Biglang namatay ang mga ilaw. . .

at biglang. . .teka lang. . .disco lights ba to? TUGS TUGS TUGS TUGS. . .

Reyna YangYang: ngayong wala na ang anak natin. pwede na tayong magparteeyy!!

Haring JymmyJymmyboomboom: Oo nga. haha masyado pang bata ang anak natin para mag partey. buti na lang nakaisip tayo ng paraan para panandaliang mawala ang anak natin.

TUGS TUGS TUGS TUGS . . .

Itutuloy. . .


Sunday, May 2, 2010

Sino ba sila?

Isang araw, first daw ng college. Excited daw ako. kaya maaga ako pumasok. Pagpasok ko. . . 0_0 bat andaming tao? ang haba ng pila? kinabahan ako. feeling ko lahat ng tao nakatingin sakin. Ganyan naman ata talaga pag first day at wala ka pang kilala, feeling mo lahat nakatingin sayo at nanliliit ka. Edi ako go with the flow lang. Pumila naman ako kahit di ko alam kung para saan ang pila. Ah. . .chinecheck pala ang temperature ng mga estudyante dahil sa H1N1. Tagal ding nakatayo ng mga estudyante. Ang init pa naman nun. tapos bigla na lang iaanounce na ok pasok na kayo. marami kayo masyado nakakatamad na magcheck bahala na lang kayo. Goodluck.

Pumasok ako sa silid. Alam ko ito yung room ko eh. feel ko ito yun. 406? Pagpasok ko, di ko alam kung saan pupunta kaya umupo na lang ako sa likod. Tahimik. Siyempre first day. Bait baitan mode pa. haha ako tahimik lang din. nagmamasid at nakikiramdam. Patingin tingin sa bintana or sa ding ding, wala namang tinitingnan. Tapos may pumasok. tumabi sakin. siyempre nagpakilala kami sa isa't isa. Siya raw si Jym at ako raw si Rommel. tapos ayun back to stare-sa-kung saan saan mode. hahaha. Makalipas ang ilang sandali. may pumasok nanaman. tumabi uli sakin. kaso snob. di nagpakilala. haha ilang ORAS ang nakalipas ng biglang, may hinugot siya sa kanyang bag. (kinabahan ako.) sabay pakita sakin ng reg form.

Misteryosong Nilalang: Hindi ba kayo lilipat? eto o nakalagay sa reg form ibang subject na.
Ako: . . . (palingon lingon kung saan saan.)
Misteryosong Nilalang: Hindi ba kayo lilipat? eto o nakalagay sa reg form ibang subject na.
Ako: ah ako ba? haha tiningnan ko ang reg form ko. eto pa rin naman yung room na nakalagay e.
Misteryosong Nilalang: anong section to?
Ako: 1AR3
Misteryosong Nilalang: ay hindi ba 1AR9 to?
Ako: ay hindi eh. (kakasabi ko lang na 1AR3 ah.)
Misteryosong Nilalang: . . . (sabay empake ng gamit at labas sa room.)

Haha ilang oras din lumipas nun. di pala siya sa section namin. ok back to stare-sa-kung saan saan mode. Nakakatamad na. walang magawa. Napalingon ako sa pinto, may sumisenyas at tumuturo sa harapan.

Misteryosong Nilalang # 2: (Turo ng turo sa harap at may sinasabi pero di ko naman maintindihan or marinig)
Ako: (Sabay tingin sa harap at kunwari walang nakita)
Ako: tumingin uli ako sa pinto. Aba nandun pa rin at sumesenyas. Ano to charades?
Misteryosong Nilalang # 2: Tuloy pa rin sa pagsenyas
Ako: Huh? (sa isip ko: babae ba to? o lalaki? ang haba ng buhok. hahaha)
Misteryosong Nilalang #2: Senyas. Senyas. Senyas.
Ako: . . .processing. . .processing. . .processing. . .
Ako: lingon kay Jym. Ui may tao sa labas o. Ano daw sabi?
Jym: ewan di ko maintindihan.
Misteryosong Nilalang #2: pumasok na rin sa wakas. tumabi sakin.
Ako: Ano sabi mo?
Misteryosong Nilalang #2: tinatanong ko kung may prof. na sa harap.
Ako at Jym: Ah. . .
Misteryosong Nilalang #2: Ako nga pala si Sly. . .

And CUT!!! (sabay patugtog ng Japanese ending theme song)

waw parang anime lang. hahaha matatapos bigla pag may bagong tauhang pinakilala.

Ok balik sa kwento. . .

Finally. Matapos ang napakatagal na paghihintay sa prof. may pumasok na.

Misteryosong Nilalang #3: Ok. class tayo na kayo. let's pray.
Kami: Sumunod naman at tumayo.
Misteryosong Nilalang #3: In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen. Amen. In the name of the Father and of the Son, and of the Holy Spirit.
Kami: ??? yun lang?
Misteryosong Nilalang #3: Ok class umupo na kayo. Anong subject niyo?
Kami: theology po.
Misteryosong Nilalang #3: Aah. Oo tama ako nga prof niyo.
Kami: (di nga??) hahaha
Misteryosong Nilalang #3: ok class aalis na ko bye.
Kami: 0_o (di makapaniwala sa mga naganap)
Ako: (sa isip ko, ganito ba talaga pag college?)
Sa isip ni (insert name): Joke Time??
Misteryosong Nilalang #3: Pumasok ulit. Joke lang. Hindi ako prof. estudyante din ako.
Kami: nagtawanan. hahaha

Hahaha ang lakas mang trip ng estudyanteng to. Napaniwala kami, pero mukha naman talagang prof. hehehe. Ayun lumipas ang ilang sandali at uwian na. Hm. bilis ng oras. haha pero excited na ulit ako para sa kinabukasan.

Sino ba sila? sila lang naman ang mga makakasama ko sa unang taon ko ng kolehiyo. Ang hindi ko alam. Malaki pala ang maidudulot nila sa buhay ko. . .