Followers

Wednesday, May 5, 2010

Magulo ang buhok ko. Magulo rin ang buhay ko.

Gumising ako ngayong umaga. Pawisan. Ngayong bakasyon lagi akong nagigising sa pawis. Napakainit. Nakakainis na. Tumitindi na talaga ang global warming sa mundo. Hanggang kailan kaya matitiis ng ating mundo ang pagsirang ginagawa natin dito? bibigay din yan. balang araw. . .

Siyempre pagbangon, diretso laptop. Naging parte na yata ito ng ritual ko sa pangaraw-araw na buhay. Minsan naiisip ko kung isa na ko sa mga "computer geeks". Siguro nga ay adik na ko. Adik sa computer. Adik sa internet. Adik sa facebook. Sino bang hindi?\

Tanghali na. panandalian ko munang itinigil ang pagcocomputer ko dahil pupunta ako ng LTO upang kumuha ng student permit para sa driving school. Sinamahan ako ng tatay ko papunta sa Tayuman kung saan nandoon ang LTO.

Habang nasa daan ay hindi ko mapigilan ang tumingin sa paligid. Ito lang naman ang magagawa ko upang aliwin ang sarili. Tingin sa mga bahay. Tingin sa mga gusali. Tingin sa mga iba't-ibang establisimiyento. Isa lang ang aking napansin. Ang dumi. Ang dumi dumi ng paligid. Ito ay dahil sa mga flyers at posters ng mga kandidatong tumatakbo para sa posisyon sa gobyerno. Hindi ba pwedeng i-ban na lang ang pagdikit at pagbibigay ng mga ganyang flyers at advertisements? Nakakasira na ng ulo ang makita ang mga mukha nila bawat kanto at bawat lugar. Mga nakangiting mukha na pilit nagpapapansin sa mga tao.

Kung pwede lang na pagbawalan ang ganyang uri ng pangangandidato. Pwede namang pagsama-samahin na lang ang mukhang yan sa iisang billboard o poster na lang. Mas lilinis pa ang paligid. Makakatulong pa tayo sa kalikasan. Hay. kelan kaya magkakaroon ng pagbabago?.

Unti-unting nabaling ang aking atensyon sa mga pangyayaring naganap. bumusina ng bumusina ang aking tatay. ng biglang. . .Booooom! naatrasan kami ng isang bus. Galit na galit na lumabas ang aking tatay para tawagin ang driver ng bus. Nakaupo lang ako sa loob ng kotse. naninigas. hindi alam ang dapat gawin habang pinapanood na magbangayan ang aking tatay at driver ng bus. Maya-maya pa ay may dumating na na pulis. Ngunit imbis na ayusin ang lahat. mukhang kumampi pa sa driver ng bus. Siyempre galit na galit ang aking tatay at hindi magpapapigil. mataas kasi ang pride nun. Isang bagay na masama para sa lahat. Sa isip ko, hindi ba pwedeng patawarin na lang ni tatay ang driver? hindi rin naman masyadong matindi ang pinsala sa kotse. Bakit ganun ang mga tao? hindi ba pwedeng magpakumbaba na lang ang isa't-isa para wala nang away? pero huli na ang lahat. ganon naman yata talaga ang mga tao at hindi na ito mababago pa dahil naging natural na ito para sa atin.

Natapos na awayan. Pumasok si tatay sa kotse at mukhang galit na galit dahil nga sa ginawang pagkampi ng pulis dun sa driver. "Sira ulo yung pulis na yun. kumampi pa sa driver. siguro sinuhulan yun. ." nagpatuloy na kami sa paglalakbay patungo sa LTO.

Sa isip ko, tama nga ang narinig ko sa news nung isang araw. Paghindi sang-ayon sayo ang mga nangyayari pilit mong sisisihin ito sa isang masamang dahilan. Pano kung tama nga naman yung pulis at hindi nakita nung driver yung kotse namin dahil nasa likod na likod ito.

Dumating na rin kami sa LTO ngunit parang ayoko nang ituloy. Napakaraming tao. Ang init. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay pinagpapawisan na ako. Pero may binigay na pangalan sa akin yung driving school na pinasukan ko. Pumunta ako sa isang window at nagtanong, nasaan po si Ma'am *censored*? Babae sa counter: Ah. dito po kayo sa loob. Ako: waw ano to V.I.P access? pumasok ako sa loob ng office. airconditioned. ang lamig. ang sarap sa pakiramdam. Pumasok ulit ako sa isang silid at nakausap si Ma'am *censored* sabay tinananong, "ano pong kailangan niyo?" Ako: Ah. galing po ako sa *censored* Driving School sabi po ay magpaassist ako sa inyo. Ma'am *censored*: ah sige. ilabas mo na yung requirements mo at umupo ka muna diyan sandali. tatawagin ka na lang pag tapos na. Nilabas ko ang mga requirements. Nilabas ko rin ang sobre na nagkakalakip ng salapi. (marahil ay suhol ito).

Napaisip uli ako. (mahilig ako magisip-isip. hindi man halata.) hehe. Nakaramdam ako ng guilt dahil nakikita ko yung mga tao sa labas, nakapila, napapagod, nagdurusa sa init. habang ako. nandito. nakaupo sa isang airconditioned room. Palakasan ba talaga? Nadadaan ba ang lahat sa suhol? Nasan na ang hustisya at pagkakapantay-pantay? nasan na ang pagmamahal sa bansa? (wow mabanggit lang) hehe.

Sana sa darating na eleksyon ay manalo ang kandidato na nararapat sa pwesto. may suhol man o wala. kurakot man o hindi. dahil hindi na rin naman natin maaalis ito sa ating pagkatao.

Natapos na ang isang kakaibang araw. Nakauwi na rin ako. Eto. Nasa harap nanaman ng laptop. Nagiinternet. Nagfafacebook. Nagbloblog. Maya maya ay matutulog nanaman para sa bagong araw kinabukasan.





No comments:

Post a Comment