Followers

Tuesday, December 25, 2012

Ang Basurahan sa Fuente Dolor

Sa isang partikular na lugar sa bansa ng Espanya, nakahimlay ang isang bayan, simple at payak ngunit sagana sa mga biyaya ng kalikasan. Sa isang parte ng baryo ay mamamataan ang isang basurahan, simple at hindi napapansin. Marahil sa inyong palagay ay isa lamang itong ordinaryong basurahan na katulad ng ilang milyong basurahan sa mundo na marumi at mabaho ngunit sa likod ng basurahan na ito ay isang istorya ng matamis at wagas na pagmamahalan ng dalawang magkasintahang lubos na nagiibigan.

Isang umaga, Hoy! Esteban! Maglinis ka nga diyan sa labas! Utos ni Aling Marta ang nanay ni Esteban at ang namumuno sa bayan.

"Opo Inay" ang tugon naman ni Esteban.

Lumabas ng bahay si Esteban at pumunta sa may puno ng mangga. Habang naglilinis, ay may namataan siyang isang babaeng paikot-ikot at mukhang hindi mapakali. Agad niya itong nilapitan.

"Magandang umaga magandang binibini" ang bati ni Esteban sa babae.

"Magandang umaga din" ang tugon ng babaeng hindi man lamang lumingon sa kaniya.

"Maaari kong bang malaman kung bakit ka balisa at hindi mapakali? Baka ako'y makatulong sa iyong problema." Nagaalalang sambit ni Esteban.

"Maraming salamat mabuting ginoo. Mangyari'y nawawala ang aking kuwintas habang ako'y naglalakad malapit dito, nais ko sanang matagpuan muli iyon." Ang sabi ng binibini.

"Buweno, ako'y tutulong sa paghahanap ng nawawala mong kuwintas." Ang maginoong sagot ni Esteban.

Sabay nilang hinanap ang kuwintas at nang makaraan ang ilang sandali, nakita ni Esteban katabi ng basurahan sa ilalim ng puno ng mangga ang isang kumikislap na bagay. Agad niya itong nilapitan at nang anyong kukunin niya ang kuwintas ay saktong kukunin na din ito ng binibini at hindi sinasadyang lumapat ang kamay nila sa isa't-isa. Nagkatitigan ang dalawa, "Ako nga pala si Esteban, maaari ko bang malaman ang pangalan ng napakagandang binibining aking kaharap ngayon?" ang tanong ni Esteban.

"Napakatamis ng mga salitang lumabas sa iyong mga mapanlinlang na labi", pangising sinabi ng binibini. "Ako si Estrella" ang sabi ng binibini.

"Estrella? Hmm? Tamang-tama sa iyo, kasing ganda ng mga mata mo ang mga bituin sa kalangitan" Pabolang sinabi ni Esteban.

"Ngunit ngayon ay umaga at walang mga bituin" pataliwas na tugon ni Estrella "Marahil ay wala kang nakikitang bituin ngunit ako ay meron." Sabi ni Esteban.
"Talaga? Maaari mo bang ituro sa akin?" Tanong ni Estrella habang namumula ang kanyang mga pisngi.

"Hayun!" sabay turo sa itaas, "Alam mo ba na ayon sa mga iskolar, ang araw daw ay isang bituin?" Biglang tumawa si Estrella, "Naku isa ka rin palang pilosopo at matalinong tao, akala ko'y puro pambobola ang lumalabas sa iyong mga labi. Parang napahiyang sagot ni Estrella sa pagaakalang siya ang ituturo ng lalaki.

Dito, sa tapat ng basurahan na ito, unang nagkakilala sina Esteban at Estrella sa ilalim ng puno ng mangga at maaliwalas na panahon.

Kinabukasan, "Inay ako po ay aalis muna sa bahay." Ang pagpapaalam ni Esteban. "At saan ka naman pupunta?" tanong ni Aling Marta.

"Diyan lamang sa tabi-tabi maglalakad at lalanghap ng sariwang hangin." Ang sagot ni Esteban

"Buweno, mag-iingat ka ha at huwag kang magpapagabi. Bali-balitang mayroon daw aswang na gumagala sa mga karatig bayan. Alam mo naman na diyan namatay ang ama mo hindi ba?" ang pababalang sabi ni Aling Marta

"Opo, inay, ang tanging naisagot ni Esteban.

Nagtagpo sina Esteban at Estrella sa puno ng mangga.

"Nais ko sanang magpasalamat doon sa pagtulong mo sa akin kahapon. Heto, ipinaghanda kita ng tanghalian." Ang masayang pasasalamat ni Estrella.

"Maraming salamat, ngunit ginawa ko lang naman ang dapat gawin ng isang hamak na ginoong tulad ko." Ang sagot ni Esteban.

Sabay silang kumain sa ilalim ng puno ng mangga.

"Narinig mo na ba ang mga bali-balita?" tanong ni Esteban kay Estrella

"Anong balita? Alam naman nating napakaraming nagaganap sa bawat araw". Ang tugon ni Estrella.

"Mayroon daw gumagalang aswang sa mga karatig bayan. Nais ko lamang ipaalam ito sayo upang magingat ka kung totoo man ito para hindi ka makain tulad nito, sabay kiliti at gulat kay Estrella. "Tama na nga yan", habang tumatawa si Estrella sa mga kiliti ni Esteban.

"Hindi naman ako naniniwala sa mga ganyang bagay, ito'y kathang isip lang at ginagawang dahilan ng mga tao kung may mga patayang nagaganap." Paliwanag ni Estrella. Sumapit ang hapon at nagpaalam na sila sa isa't-isa.

Pagkauwi sa bahay,

"Magandang gabi po inay", bati ni Esteban habang nagmamano.

"Naku grabe na talaga ang mga nangyayari, kanina'y nagpulong ang bayan at napag-alaman namin na siyam na katao na ang nawawala sa ibat-ibang lugar kabilang na si Mang Ando ng bayan natin. Dapat ay maging handa ang bayan natin kung saka-sakaling maghasik muli ng lagim ang aswang." Pasalaysay na sabi ni Aling Marta.

"Nakasisiguro ba kayong isa nga iyong aswang? Baka gawa-gawa lamang ito ng mga taong tsismoso at nagkakalat ng maling balita" tugon ni Esteban.

"O siya, itigil na natin ito at tayo nang kumain. Nagluto ako ng tinolang manok para sa ating hapunan, nagbigay kasi si Trinidad ng isang kilong manok sa atin" Sabi ni Aling Marta. Pagkatapos kumain ay natulog na ang mag-ina.

Lumipas ang mga araw at laging nagtatagpo sina Esteban at Estrella sa ilalim ng puno ng mangga.

Isang pagkakataon,

"Kelan mo ba ako sasagutin?" Tanong ni Esteban. "Ano ka ba? Isang linggo pa lamang tayong magkakilala ay nanliligaw ka na agad." Sagot ni Estrella.

"Aba, anong magagawa ko? Sadyang napakalakas ng aking puso kesa aking isip, marahil ay ilang linggo pa lamang tayong magkakilala ngunit para sa akin ay ilang taon na iyon at ito na ang tamang panahon upang dalhin natin ang ating relasyon sa mas mataas na kaaanyuan. Tayo naman ay nasa sapat na edad na hindi ba? ang patuloy na pagkumbinsi ni Esteban.

"Hindi iyon ang kaso, siguradong hindi ako papayagan ng aking mga magulang, hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin." Babala ni Estrella.

"Kahit ano pa man ang gawin nila sakin papayag ako mapasakin ka lang. Hahamakin ko ang lahat maging sarili kong kamatayan." Patalinhagang sabi ni Esteban.
"Naku sadyang napakabolero mo." Sabi ni Estrella.

"Aanhin ko ang mga salitang ito kung hindi ko naman matatamo ang matamis mong Oo." Malungkot na sabi ni Esteban.

"Wag ka nang malungkot, darating din ang tamang oras para sa atin." Sabi ni Estrella sabay yakap sa lalaki.

Balitang balita na sa buong bayan hindi lamang ang tungkol sa aswang kundi pati na din ang di-umano'y lihim na pag-iibigan ni Esteban at Estrella.

Sa bahay ni Esteban, "Aba Esteban, ano itong nababalitaan kong mayroon ka na daw kasintahan?" tanong ni Aling Marta.

"Wala po iyon inay, hindi pa po niya ako sinasagot eh." Malungkot na sagot ni Esteban.

"Naku wala kang mapapala sa mga ganyang bagay sinasabi ko sa iyo, mabuti pa na ituon mo na lang ang atensiyon mo sa iyong pagaaral.." Payo ni Aling Marta

"Marahil ay tama kayo, ngunit sa oras na tamaan tayo ng pana ni kupido ay mahirap nang makawala sa napakahigpit na gapos ng pag-ibig" sambit ni Esteban.

Linggo ng umaga, nagpunta si Esteban sa may puno ng mangga. Nakita niya na wala pa dito si Estrella kaya minabuti niyang ihanda muna ang binili niyang pagkain upang pagsaluhan nila. Lumipas ang isang oras, "Bakit kaya wala pa si Estrella? Usapan namin ay umaga. Tanong ni Esteban sa sarili. "Marahil ay nagsimba siya" pilit na pinapaniwala ni Esteban ang sarili

Ala- sais na ng hapon at hindi pa din dumadating si Estrella. Hindi na nakain ang pagkaing dapat sana'y almusal nila at tuluyan ng nabulok sa isang tabi. Minabuti na lamang ni Esteban na umuwi sa bahay.

Kinabukasan, hindi ulit dumating si Estrella kaya napagpasyahan niyang puntahan ito sa kanilang bahay. Dahil hindi niya alam kung saan ito nakatira ay nagtanong-tanong siya sa mga tao kung mayroong nakakaalam ng kanilang tirahan nila ngunit ni-isa ay walang may alam. Patuloy siyang naglakad sa kawalan hanggang sa mapadpad sa isang mansiyon na mistulang isang sementeryo sapagkat matagal ng walang nakatira dito.

Nakita niya si Estrella dito na nakadungaw sa bintana at nakatingin sa malayo at nang makita din siya ni Estrella ay dali-dali itong pumasok sa loob ng bahay. Hinabol siya ni Esteban at pumasok dun sa mansiyon nang walang pahintulot. Kumatok siya sa pinto ngunit isang sigaw ang sumagot sa kaniya.

"Umalis ka na dito, ayaw na kitang makitang muli." Sabi ni Estrella.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo naguusap". Ang sabi naman ni Esteban.

Umulan ng malakas na may kahalong kidlat at kulog kaya't hindi natiis ni Estrella ang lalaki at sa huli ay pinapasok niya din ito sa bahay.

"Bakit hindi ka nagpapakita sakin?" tanong ni Esteban.

"Pinagbawalan ako ng aking mga magulang hindi daw tayo nararapat sa isa't-isa. Pinagkasundo na nila ako sa ibang lalaki." Pa-iyak na sabi ng dalaga at sabay yakap sa lalaki.

"Nasaan ang mga magulang mo? Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig." Ang matapang na sagot ni Esteban.

"Naku huwag na, ang nanay ko ay may sakit at nasa itaas, ang tatay ko naman ay wala dito dahil may trabahong kailangang asikasuhin." Paliwanag ni Estrella.

"Mahal mo ba ako?" ang tanong ni Esteban. "Mahal na mahal na hindi ko kayang mabuhay kung wala ka sa aking tabi." Ang diretsong sagot ni Estrella Kung gayon ay lihim nating itatago ang ating relasyon at kapag dumating na ang takdang oras ay itatakas kita mula sa bayang ito." Ang paliwanag ni Esteban. Hindi na nakasagot si Estrella.

Tumila na ang ulan, nagpasya ang dalawa na pumunta sa puno ng mangga upang masdan ang mga bituin sa kalangitan

Samantala, sa bahay ni Esteban,

"Naku nasan na kaya ang aking anak? Mag-aalasonse na ng gabi'y wala pa siya" Nag-aalalang pagkasabi ni Aling Marta sa sarili. "Hindi kaya nakuha na siya ng aswang?" Pinagpapawisan na si Aling Marta. Hindi na niya natiis at pinulong niya ang taong bayan, dala ang mga itak at kung ano-ano pang matutnlis na bagay ay lumibot sila sa buong bayan upang hanapin ang anak.

Samantala, masayang nagkukulitan ang magkasintahan sa ilalim ng puno ng mangga nang biglang makarinig sila ng ingay na papalapit sa kanila. Bigla silang naalarma at bago pa man nila napansin ay napapalibutan na sila.

"Naku eh kasama lang pala ni Esteban ang kaniyang kasintahan, nakaistorbo pa tuloy tayo", sambit ng isang tao sa pulong.

Biglang sumigaw si Aling Marta. "Layuan mo ang anak ko maruming nilalang!" Naguluhan ang lahat sa mga pangyayari at ipinaliwanag ni Aling Marta ang lahat.

"Nakikita niyo ba ang kuwintas na suot ng babaeng iyan? lyan ang kuwintas ng yumao kong asawa nang gabing walang awa siyang pinaslang ng aswang!" nanginginig na sambit m Aling Marta.

"Nang marinig ito ng mga tao ay agad na nagbago ang kanilang asta at parang naging mga hayop sa tindi ng kanilang asal. Bago pa man makapagpaliwanag ay kinuyog na sila ng mga tao at si Esteban ay naitulak sa isang tabi habang narinig niya ang mga salitang "Basura! Kailangang puksain ang mga basura sa lipunan! Bago siya nawalan ng malay.

Nang maalimpungatan siya ay nakita niyang nakahimlay ang kanyang kasintahan sa may basurahan, nanghihina at mamamatay na, wala na ang mga tao, unti unti nang tahimik ang lahat, sila na lamang dalawa at ang nanay ni Esteban ang natira.

Nanlulumo naman ang itsura ng kanyang ina at mistulang parang baliw nang mapagtanto na ang kuwintas na suot ng babae ay hindi ang kuwintas na pagmamay-ari ng asawa niya.
Lumapit si Esteban sa kasintahan at umiyak, isinigaw niya ang kanyang galit, sa taong bayan, sa ina, at sa tadhanang naging malupit sa kanilang pagsasamahan.

"Kayo ang mga basura! Mga taong hindi marunong magpatawad. Mga taong mapanghusga at mapusok sa kanilang mga gawain. Mga taong hindi muna nag-iisip, mga taong makasarili at walang paki-alam sa ibang tao. Tama nga sila, ang bayang ito ay nabubulok na."

Niyakap ni Esteban si Estrella sa kaniyang bisig habang nakatingin sa mga bituin sa langit ang kaniyang mga matang kasing ningning ng mga bituin na ngayon ay unti-unti nang nawawalan ng buhay.

Dito sa basurahang ito ng Fuente Dolor nagsimula at nagtapos ang pag-iibigan ng dalawang taong hindi dapat para sa isa't-isa ngunit patuloy na lumaban sa kanilang tadhana.

Monday, September 5, 2011

Ang Alamat ng Mansanas

"Ahhhhhhhhhh!!!!" nandiyan na ang minokawa!! (nagkakagulo ang lahat at lumilikas mula sa kani-kanilang tahanan)

"Raaaaaawr" (isang higanteng ibon ang lumilipad sa taas ng kaharian)(bumubuga ito ng apoy at naninira ng mga tahanan)

Narrator: Sa isang iglap nabihag ng ibon ang isang nilalang sa mga matutulis nitong kuko at dali-daling lumipad palayo sa kaharian.

(fade lights)

Sino nga ba ang tunay na biktima at sino nga ba tunay na salarin?

(change scene)

Part I Ang Pagtatagpo

Narrator: Sa isang malayong kaharian, sa panahon kung saan ang mga kastilyo at bundok pa lamang ang mga matatayog na gusali, nakatira ang pamilya Monte Rosario sila ang pinakamayamang pamilya sa buong lupain ng Espanya. Ito ay pinamumunuan ni Haring Carlito at Reyna Armeya, sila ay mayroong dalawang anak, si Prinsesa Mistina at Prinsesa Minchita.

Isang araw sa liblib na kakahuyan. . .


Ahhhhhh!!! Saklolo!!
(isang babaeng malakas na sumigaw)

Napapalibutan ng mga jejemon ang isang kaawa-awang babae.

Babae: wag po. . .maawa po kayo sakin. . .wag niyo pong kunin ang mga mansanas ko. . .

Mga jejemon: Ibigay mo na yan samin, kung ayaw mong masaktan. . .


Sandali lang! Wala ba kayong kahihiyaan? isang walang labang babae ang binubully niyo. nasan na ang mga dangal niyo bilang lalaki? (isang misteryosong lalaki ang nagmistulang knight in shining armor)

Wag ka nang makialam dito. mga alagad sugurin siya. . .

Hiyaaaaa!! (madaling natalo ng lalaki ang mga jejemon)(tumakbo na lamang paalis ang isa pang natira)

Lalaki: Ayos ka lang ba? (inabot ang kamay sa nakaupong babae)

Babae: Ah. . .Oo, ayos lang ako, maraming salamat sa iyong pagtulong. . .

(habang tumutugtog ang isang romantic bgm)

Lalaki: Anong ginagawa ng isang babaeng tulad mo dito sa mapanglaw na gubat?

Babae: Namimitas lamang ako ng mga mansanas para sa apple pie na ibabake ko mamaya

Lalaki: Dapat ka nang mag-ingat sa susunod, ang kakahuyan ay hindi isang lugar para sa isang babae. San ka ba nakatira? Halika, sumakay ka sa kabayo ko at ihahatid kita sa iyong tirahan.

Babae: Doon (sabay turo sa palasyo)

Pagdating sa palasyo. . .

Prinsesa Minchita: Prinsesa Mistina, saan ka nanaman ba galing? kanina pang nagaalala ang mga magulang natin sa iyo. . . gutom na sila at wala pa rin ang kanilang paboritong apple pie.

Prinsesa Mistina: Paumahin mahal kong kapatid, subalit naubos ang ating mansanas sa ref kinailangan ko pang maghanap sa kakahuyan.

Prinsesa Minchita: Ano? Alam mo namang delikado doon. at isa pa. maaari mo namang iutos yan sa mga katulong natin.

Prinsesa Mistina: Ngunit gusto ko ring lumabas at maglaro sa kakahuyan. Matagal na akong di nakakalabas ng palasyo.

Prinsesa Minchita: Naku, kausapin mo na lang ang ating mga magulang.

Lalaki: Isa ka pa lang prinsesa??

Prinsesa Mistina: oo. pasyensya na at hindi ko kaagad nasabi. ano nga bang pangalan mo magiting na ginoo??

Ako nga pala si Prinsipe Janus Velcruz ng kaharian ng Recto. Nandito ako para sakupin ang kaharian niyo. . .

(fade lights)

Sa mga sandaling iyon. Alam ko sa sarili ko, ngayon lang tumibok ng ganoon kabilis ang puso ko. . .

Part II Isang Desisyon

Narrator: Nagdaan ang mga araw at gabi. Unti-unting naging malapit ang prinsesa at prinsepe kahit na balak nitong sakupin ang kanilang kaharian.

(Scene sa balcony)

Prinsepe Janus: Aking prinsesa. . .sagutin mo lang ako at mapapasaiyo ang kaharian na ito

Prinsesa Mistina: Ngunit sa amin naman talaga ito. . .kung mahal mo ko. . .hindi mo pagtatangkaan ang aming kaharian at hahayaan mong mamuhay kami ng matahimik.

Prinsepe Janus: hindi maaari. alam mo naman na kailangan kong sakupin ang kaharian niyo o tanging kamatayan ang naghihintay sa akin sa kaharian namin. mataas ang expectations ng parents ko sakin. Huwag kang magalala. hindi ko sasaktan ang pamilya mo. Sumuko lang kayo ng maayos at sinisigurado kong walang dugo at buhay ang masasayang.

Prinsesa Mistina: Hindi ko alam kung anong dapat gawin. ang alam ko lang ay mahal na kita ng lubusan. . .

(fade lights)

Kinabukasan. . .

"Ahhhhhhhhhh!!!!" nandiyan na ang minokawa!! (nagkakagulo ang lahat at lumilikas mula sa kani-kanilang tahanan)
"raaaaaawr" (isang higanteng ibon ang lumilipad sa taas ng kaharian)(bumubuga ito ng apoy at naninira ng mga tahanan)

Prinsesa Mistina!! Nasaan ka?? sigaw ni Prinsipe Janus habang hinahanap ang prinsesa mula sa mga nagkakagulong tao. . .

Nandito akooo!! tulungan mo ko mahal na prinsipe!!
ang sigaw ng prinsesa na naipit sa nahulog na flower vase. . .

Nandiyan na ko!! sigaw ng prinsipe

Unti-unting lumapit ang prinsipe. . .unti-unti na ring lumalapit ang malaking ibon. . .

Prinsipe Januuuuus!!!

Prinsesa Mistiiiinaaaa!!!

nagkaroon ng madramang slow-mo

Sa isang iglap. nadakip ng malaking ibon ang isang tao mula sa mga matutulis nitong kuko. . .

Prinsipe Januuuus!!!

nadukot ang prinsipe at naiwan ang mahal na prinsesa. . .

(Fade lights)

Prinsesa Mistina: Ngunit. Mahal ko siya. Siya lamang ang buhay ko. Isa pa iniligtas niya ako noon mula sa mga jejemon. siguro ito naman ang pagkakataon para iligtas ko siya mula sa minokawa.

Haring Carlito: Nako. hindi ako papayag. anong kahibangan ang sinasabi mo? isang kang prinsesa at hindi iyan ang dapat inaasal ng isang prinsesa. isa pa. nabalitaan ko na balak sakupin ng prinsipeng iyan ang kaharian. mabuti nga sa kanya at hindi na matutuloy ang mga balak niya. Pumasok ka na sa kwarto at matulog. tapos na ang usapang ito. . .

Dali-daling tumakbo ang prinsesa sa kanyang kwarto habang umiiyak. alam niya sa sarili niya na kung gano niya kamahal ang prinsipe at kung panong lahat ay gagawin niya para lang makasama ang kanyang minamahal. . .

Saan ka pupunta?? tanong ni Prinsesa Minchita

Prinsesa Mistina: Ililigtas ko ang mahal na prinsipe.

Prinsesa Minchita: nahihibang ka na ba? delikado ang balak mo. maaaring kang mamatay. isa pa. magagalit ang mga magulang natin sa iyo.

Prinsesa Mistina: Ngunit. mahal ko siya. gagawin ko ang lahat mailigtas lang ang prinsipe. . .

Prinsesa Minchita: Wala na siya. Hayaan mo na. Marami pang iba diyan. hindi ka mauubusan. pero kung talagang mapilit ka. binabalaan kita. meron ka lamang dalawang option, ang iligtas ang prinsipe at itakwil sa palasyo or kalimutan ang lahat at mamuhay ng tahimik sa kaharian.

(umalis si Prinsesa Minchita)

Kinabukasan. . .

Nawawala ang prinsesa sa kaniyang kwarto!! Tawagin niyo ang mga kawal at ipahanap siya!!

(fade lights)

Part III Ang Payaso

Sa kakahuyan. . .

Prinsesa Mistina: Eew. so dirty naman dito sa forest. ayoko na. there's so many insects na gumagapang sa flawless legs ko. . .

Ehem. . .Dahon ka ba? ang laki kasi ng problema mo eh. hahahaha!!!

Prinsesa Mistina: ????

Ako nga pala si Clowdi isa akong payaso. Ano namang ginagawa ng isang prinsesa dito sa kakahuyan??

Prinsesa Mistina: Uhm. Ililigtas ko ang prinsipe ko?

Clowdi: wow. kakaiba yan ah. so gayan talaga ang suot mo? sandali. palitan natin yan. (ching! parang magic)

Prinsesa Mistina: Farie Princess??

Clowdi: Ay joke. mali. . .isa pa. (ching!)

Mistulang amazona ang dating ng prinsesa. fierce.

Clowdi: Nais kitang tulungan sa iyong paglalakbay. mukhang interesado yan at gusto kong maging parte ng kwento mo. tutal wala naman akong pinagkakaabalahan ngayon. ayos na sa akin ang mansanas para pambayad sa serbisyo ko mahal na prinsesa.

Prinsesa Mistina: Kung gayon. heto ang mansanas ko. . .

matapos kumain ng dalawa. . .

Clowdi: Teka, saan nga ba tayo papunta??

Prinsesa Mistina: ah. . eh. . .hindi ko rin alam. . .siguro sa bundok na iyon? doon ko nakita pumunta ang minokawa. . .

Clowdi: teka, minokawa ba kamo? alam ko kung saan ang lungga niya. ngunit lubhang mapanganib ang tatahakin nating landas. handa ka na bang harapin ang iyong mga takot? handa ka na ba sa mga bagay na hindi mo alam? handa ka na bang umibig at masaktan?

Prinsesa Mistina: Oo. gagawin ko ang lahat. sa ngalan ng pag-ibig.

(fade lights)

Part IV Ang Paghahanap

Sa mapanglaw na gubat. . .

(ibat-ibang mga nakakatakot na tunog ang maririnig) madilim ang gubat at mistulang gabi kahit na

mataas pa ang sikat ng araw.

Raaaaawr!!!

Prinsesa Mistina: Ano yun?

Clowdi: Yun ang tunog ng nagwawalang kahoy.

Prinsesa Mistina:
????

Clowdi: Sandali. . .

tila lumulubog tayo. . .

wag kang gumalaw mahal na prinsesa. . .

nahulog tayo mula sa isang kumunoy!

Prinsesa Mistina: Ahhhh!!! oh no. this is the end. . .huhu.

Clowdi: Susuko ka na lang ba? ganun na yun?? pano na ang pag-ibig na wagas??

Prinsesa Mistina: (napaisip ng matagal) tama ka. . .hindi ito ang tatapos sakin. . .ililigtas ko ang prinsipe at mamumuhay kami ng maligaya. yaaaaaah!!!unti-unting umahon ang prinsesa mula sa kumonoy. nagtaka rin ang payaso kung paano niya nagawa yun.

Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakbay. . .

Unti unti nang kumakagat ang dilim at dahan dahang sumapit ang gabi.Ang tahimik na gubat noon. ngayon ay mistulang party house ng mga mababangis na hayop.

Clowdi: Sa tingin ko dapat ay magpahinga na muna tayo at matulog. bukas na lang natin ituloy ang ating paglalakbay. delikado na ang kagubatan kapag sapit ng dilim.

Prinsesa Mistina: Sige. . .sa tingin ko nga ay tama ka. . .

(fade lights)

Ang hindi nila alam. . .isang matinding surpresa ang naghihintay sa kanila. . .

Part V Ang May Sala at ang Naapi

Surprise!!!!

(unti-unting nagising ang mahal na prinsesa)

teka. . nasan ako??!! bakit ako nakatali?? pakawalan niyo ko!!!

Hahahaha!!! nasurpresa ka ba?

kapatid??

Prinsesa Mistina: Ate Minchita??

Prinsesa Minchita: oo ako nga! sino pa sa tingin mo? hahaha.

Prinsesa Mistina: Pero bakit??

Prinsesa Minchita: Bakit? tinatanong mo ko kung bakit? hindi mo lang alam kung gano kasakit. . .

(Flashback)

Ate laro tayo. ako yung faerie princess tapos ikaw daw yung witch.

Prinsesa Minchita: eeeh! ako yung faerie princess.

Prisesa Mistina: hindi. ako yung faerie princess!!

Haring Carlito: wag na kayo mag-away. Minchita, magparaya ka na sa kapatid mo. ikaw ang nakakatanda. ikaw na lang ang witch.

-end flashback-


Prinsesa Mistina:
Dahil lang don?? o sige ikaw na faerie princess!

Prinsesa Minchita: hindi yun yung point eh. . .

inagaw mo sakin ang lahat. . .

ikaw lagi ang napapansin nina inay at itay.

ikaw lagi ang bida sa kaharian

ikaw lagi ang maganda

ikaw na lahat.

at ako? wala. . .wala nang natira sa akin. pati ang prinsipe inagaw mo sakin.

Kahit nang umalis ka sa kaharian ikaw pa rin ang hinahanap nila. . .akala ko pag napaalis na kita

sa kaharian matatapos na ang lahat. pero hindi eh. . .

Prinsesa Mistina: Ikaw lahat ang may pakana nito??

Prinsesa Minchita:
Oo.

Plano ko talagang dukutin ang prinsipe. Hindi mo ba napapansin ang pagkakamali ng mga kontrabida

sa bawat istorya? sobra silang nagfofocus sa pagdukot sa prinsesa. at anong resulta? inililigtas lang sila ng prinsipe at sa huli laging natatalo ang mga kontrabida. . .

what if? yung prinsipe ang dukutin ko. anong mangyayari?

Clowdi: uhm. maglalabasan ang mga rainbow unicorns?

Prinsesa Minchita:
Hindi. maiiwan ang kaawa-awa at helpless na prinsesa. at wala siyang magagawa kundi umiyak ng umiyak hanggang maubos ang tubig sa katawan niya at mamatay.

Pero hindi yun ang nangyari. pinili mo pa rin siyang iligtas. kahit alam mong wala kang laban.kaya naman ipinadala ko ang payasong ito para ihatid ka sa iyong kamatayan. dahil tanging ito lang ang solusyon para makamtan ko ang hustisya sa lahat ng ginawa mo sakin. siguro pag nakita nila ang bangkay mo at tuluyan ka nang mawala sa mundo. ako naman ang mapapansin ng lahat. ako naman ang mamahalin nila. Clowdi. buksan na ang trap.

Bumukas ang lupa. sa ilalim nito ay ang kumukulong apoy sa taas naman nakasabit ang prinsesa.

Prinsesa Minchita: Within 1 minute. unti unting baba ang lubid patungo sa kumukulong apoy pero hindi kita susunugin. hihintayin kong unti-unting matutuyo ang katawan mo. tapos dadalhin ko ang bangkay mo sa kanila para ipakita na patay ka na. hahaha isa pa. i love slow and painful deaths.
hahahaha!!!

Prinsesa Mistina: Nagkakamali ka kung akala mo nagtagumpay ka na. marami na akong napagdaanan at natutunan sa paglalakbay ko. natutunan kong maging independent at wag umasa sa iba. natutunan kong lumaban at harapin ang mga takot ko. kaya kung inaakala mong dito na magtatapos ang lahat.
nagkakamali ka. ililigtas ko ang prinsipe at mamumuhay kami ng maligaya.

bigla na lang nakawala ang prinsesa. nagtaka din ang lahat kung pano.

marahil ay dahil sa pag-ibig na wagas.

Prinsesa Minchita: Hindi maari!! pano nangyari ito?? Minokawa atakihin ang prinsesa!!

Binato ng mansanas ng prinsesa ang minokawa. sumabog ang minokawa. nagtaka ulit ang lahat.

Prinsesa Minchita: Anong?? Clowdi patayin mo ang prinsesa!! ngunit patay na si Clowdi. nafood poison siya sa kinain niyang mansanas kanina. . .

Prinsesa Minchita: Pero paanong??

Prinsesa Mistina: Itigil na natin to. . .

Alam ko ang lahat. . .Simula pa lamang alam ko na ang mga ginagawa mo... Gusto ko lang naman malaman kung bakit. . .hindi ko naman alam na ganito pala ang nararamdaman mo. . .sana sinabi mo na lang sa akin. . .hindi na sana umabot sa ganito. . .

Prinsesa Minchita: Bakit sa huli ako pa rin ang talo?

Prinsesa Mistina: Hindi ka natalo. walang nanalo o natalo. meron lang mga aral na natututunan sa bawat laban. hindi mo naman kailangang mapagpapansin. dahil alam mo sa sarili mo na mahal ka rin ng mga taong mahal mo. hindi mo lang napapansin dahil puro inggit at galit ang nanguna sa puso mo. . .

Prinsesa Minchita:
(umiiyak) ano itong nagawa ko?? mapapatawad mo pa ba ako mahal kong kapatid?

Prinsesa Mistina: Hindi mo kailangang magpatawad. tara balik na tayo sa kaharian. Ituloy na natin ang laro natin. this time ikaw naman ang faerie princess at ako naman ang faerie witch.

Princess Minchita: . . .Sige!

Narrator: At bumalik na nga ang magkapatid sa kaharian. tuluyan na rin nilang iniwan ang prinsipe dahil baka maging sanhi lang ulit ito ng kanilang pagtatalo. hindi man nagkatuluyan ang dalawa sa huli, nabuo naman at naayos ang pamilya ng prinsesa at namuhay sila ng masaya sa malayong kaharian.

Sunday, June 5, 2011

Alamat ng Ampalaya (Part V)

Ikaw si. . .

Prince Ralphric??!!

Ikaw ay Ako?!!


Bago pa man makapagusap ang dalawa ay unti unti nang bumulusok ang sasakyang burger Yum ng isa pang Price Ralphric.

Prince Ralphric #2: Magiingat kaaaaa!!! Isang maling desisyon at mawawala sayo ang lahaaat. . .

-tuluyan nang nawala sa eksena ang misteryosong spaceship-

Nagising si Prince Ralphric sa isang madilim na kwarto.

Huh??!! Nasan ako??!! anong lugar to? bakit ang dilim?

Wijiliver: OA. nasa kwarto ka lang. patay lang ilaw oh. bigla ka na lang nawalan ng malay kanina. Nauntog ka yata sa kung saan. Teka. Ano bang nangyari?

Prince Ralphric: Ah. . .wala naman. . .parang may nakita lang akong weird na pangyayari. . .(totoo nga kaya ang lahat?) (paano nangyari yun?)

Romelus: Nandito na tayo. . .

Ang Dulong parte ng mundo. . .

-Bumaba ang lahat mula sa spaceship-

Madilim ang paligid at ang liwanag lamang mula sa palasyo ang maaaninag.

Isang pangyayari ang gumulat sa lahat. Isang malalim na boses ang narinig mula sa kawalan.

"Maligayang pagdating sa dulo ng mundo ang huling hantungan niyong lahat" Muwahahaha!!

Romelus: Cool nakasound surround system!

Misteryosong boses: Hindi, nagkakamali ka. Hindi lang ako natapatan ng spotlight.

Unti-unting lumabas mula sa kadiliman ang isang lalaking nababalot ng itim na capa.

Ako nga pala si Haring Miguelis Fabious. Ang Hari ng dulo ng mundo.

Haring Miguelis: Isang bagay lang naman ang nais kong sabihin sa sayo Prinsipe Ralphric, "Mabibigo ka lamang sa paghahanap kay Prinsesa Katherina mo"

Prinsipe Ralphric: Sino ka naman para magsabi niyan? Ikaw ba ang dumokot sa prinsesa ko? at paano mo nalaman ang pangalan ko?

Haring Miguelis: "Walang lihim ang maitatago sa lugar na ito. Traydor ang inyong isip at may mga tenga ang bawat sulok. "Literal na tenga".

Romelus: Lumingon sa paligid. O_O. shocks tenga nga.

Prinsipe Ralphric: Nagkakamali ka! Mahahanap ko ang prinsesa at mamumuhay kami ng masaya. Pustahan pa tayo ng nanay!

Happy Miguelis: Buweno, kung yan ang pinaniniwalaan mo. wala na kong magagawa. binalaan na kita. masasaktan ka lang at mabibigo. At isa pa, hindi na kayo makakaalis sa lugar na ito, nababalot ng kadiliman ang buong lugar. Maglalakad lamang kayo sa kawalan.

Hanggang sa muli.

Iwinagayway ng hari ang kanyang kapa at bigla itong nawala kasabay ng mga tengang lumilipad.

Star Soldier Duaise: Waaah dito na tayo mamatay

Star Soldier Davon: Hindi ako makapapayag. kailangan nating mahanap ang kakambal ko.

Wijilver: Sandaleeeeee!! wag kayong magpanic. nakalimutan niyo na ba? dito ako isinilang sa lugar na ito. alam ko ang pasikot sikot dito.

-Lumipas ang dalawang araw ng paglalakad-

Prinsipe Ralphric: Sigurado ka bang alam mo dalawang araw na tayong naglalakad patungo sa kastilyo pero parang hindi naman tayo lumalapit ng kaunti.

Wijiliver: Ah. . . .eh. . .hehe. . .medyo sangol pa kasi ako nuong huling punta ko dito. ehehe

Prinsipe Ralphric: Ilibing niyo na ko.

Wijiliver: Pero wag kayong magalala. Ang tanging daan paalis dito ay ang kastilyo. Ang dapat lamang nating gawin ay sundan ang ilaw.

-Nagpatuloy sa paglalakad ang kanilang grupo unti unti nang nauubos ang kanilang lakas habang tumatagal-

Isang bibig ang nakita nilang pakalat kalat sa sahig.

Wijiliver: Excuse me. Manong bibig, san po dito ang papuntang kaharian?

(Hindi alam ng iba kung ano ang magiging reaksyon nila)

Star Soldier Gregor: Naghahalucinate na yata ako.

"Hindi lang ikaw" sagot ng iba.

Prinsipe Ralphric: Pano nalaman ni Wijiliver na lalaki yun? (pabulong na tanong kay Romelus na tulala pa rin sa mga nangyayari.

Manong bibig: (biglang nagsalita). "Traydor ang inyong utak"

Wijiliver: Ahm, mawalang galang na ho. pero wala po kaming oras sa mga bugtong.

Manong bibig: "Nililinlang lang kayo ng inyong paningin"

Wijiliver: Pusa! Sasabihin mo ba o pupunitin ko yang bibig mo?!

Manong bibig: Ok. Sorry. Sorry. Eto na nga sasabihin ko na eh.

Ang lihim ay: "Lumingon sa pinangalingan"

Wijiliver: insert bad word (babala: wag ihighlight hindi angkop sa batang may edad 8 pababa.)

Prinsipe Ralphric: Hinay hinay ka lang. Mukhang alam ko na kung nasaan ang palasyo.

(Dahan dahang lumingon ang lahat at all this time nasa likod lang pala nila ang palasyo na kumikinang dahil sa ilaw na kanina pa nilang sinusundan.)

-Pumasok sila sa kastilyo-

(Maririnig ang scary piano music)

Mukhang nakita niyo ang aking kaharian. Muhahaha.
"Nagkamali kayo ng desisyon na pumunta dito"


Lalong lalo ka na Prinsipe Ralphric.

Biglang bumukas ang isang malaking projector at panandaliang flinash sa screen ang mga litrato ng isang babae at isang lalaki na magkahawak ang kamay.

BLINDITEM: Sinong Prinsesa daw ang hinahanap ni Prinsipe Ralphric ang napapabalitaan na may kasama ng iba at kasalukuyang may dalawang anak?

Prinsipe Ralphric at iba: Sino daw??

Haring Miguelis: Sirit na?

(unti-unting luminaw ang larawan na nakaflash sa screen)

"OMG!!"

"Di nga?"

"Sabi ko na eh"

Photoshopped.


Prinsesa Katherina ko?? (unti unting tumulo ang mga luha sa mata ni Prinsipe Ralphric) Sa mga sandaling ito gumuho ang mundo ni Prinsipe Ralphric. Lahat ng paglalakbay at paghihirap ay nabali wala dahil sa kanyang mga nasaksihan.

Haring Miguelis: Hindi yan photoshopped. Yan ang katotohanan. Pinili mo yan. Ginusto mong makita hindi ba? Binalaan na kita. . .

Prinsipe Ralphric: Pero. . .(wala nang masabi ang prinsipe dahil sa mga oras na iyon ay puno ng lungkot at katanungan ang kanyang nararamdaman)

-Panandaliang naputol ang madramang eksena dahil sa isang pagsabog-

BOOOOOOOOOM!!!!

Mausok ang buong paligid. . .

"Mukhang nahuli na tayo."

Saturday, May 28, 2011

Alamat ng Ampalaya (Part IV)

Nakaraan: Sumugod ang mga galit na ampalaya patungo sa kaharian ni Reyna Clowvis. Nagkakagulo na ang lahat. Nakahanda na ang mga Star Soldiers upang ipagtanggol ang kanilang kahirian laban sa mga galit na ampalaya. Isang matinding labanan ang naghihintay para sa kanilang lahat.

Romelus: (pinapakawalan ng dalawang ampalaya) OK. so panaginip lang pala to. hahaha mabuti na lang. . .

Ampalaya #201: Hindi kami panaginip. totoong nililigtas ka namin.

Romelus: O_O. buhay kayo??

Ampalaya #343: Oo naman. eto ang kabilang mundo. ang lugar kung saan ang mga bigong pangarap ay nangyayari.

Ampalaya #444: Pinangarap naming mabuhay doon sa kabilang mundo. Gusto naming makapaghiganti sa mga taong nanlalait sa lasa namin. Mga mapanghusgang tao. Hindi ba nila alam kung gano namin sila kamahal? Handa kaming ibigay ang sarili namin para sa kanila. para sa ikabubuti ng kanilang kalusugan. at anong ginawa nila? kinamuhian nila kami at pinandirihan.

Ampalaya 013: Mamumuhay na sana kami ng matahimik sa mundong ito. Ngunit isang pangyayari ang naganap upang ituloy ang paghihiganti namin.

Ang nakaraan. . .

Booooom!! nagcrash ang isang spaceship sa baryo ng mga ampalaya.

Ralphric: (ipinapakain ang ampalaya kay Romelus)

Romelus: (kumikislap ang mga mata) etoooo. . .etoooo ang sagoot sa lahat ng problema. Eto ang magaangat sa ekonomiya ng bansa. Eto ang magpapasikat sa atin. . .

tatawagin ko itong. . ."Ampalaya"

Romelus: So totoo pala yung narinig kong bulong. Galing pala sa inyo yun.

Ampalaya #013: Wait ha. hindi pa kasi tapos yung flashback. mamaya ka na magcomment.

katuloy ng nakaraan:

Ampalaya #221: Waaaaaaah. Kinain niya ang kapatid ko. Pero. sinabi niyang masarap iyon. kailangan itong malaman ng iba. . .

Ampalaya #013: doon nga nagsimula ang pagsugod namin patungo sa inyo. ito ay upang magpasalamat. . .subalit dumating ang apat na nakamaskarang tao at sinabihan kami ng masasakit na salita at pinaslang ng walang awa ang iba naming kasamahan. . .

Alphonse: yaaaaaak! ano yang mga yan? kadiri. ang dudumi. eww. (sabay spray ng disinfectant sa paligid) (siya namang ikinamatay at nakapanghina sa ibang ampalaya)

Duaise: yak. mukhang pwet.

Davon: ang pait ng itsura.

Gregor: ew. paslangin ang mga yan. yaaaaaa!!!

-end of flashback-

Ampalaya #013: Nagpapasalamat kami sa pagpuri mo sa amin Romelus. Ito ang kapalit ng pagpuri mo sa amin. ililigtas ka namin. . .ngunit kailangan naming maghiganti sa mga masasamang taong iyon. . .

Romelus: Sandali. Hindi naman natin kailangan ng karahasan upang maayos ang lahat? Bakit hindi natin pagusapan ito?

Isang Boses mula sa madla: Wooh wag ka na. kj mo. magkakaron na nga ng epic na labanan oh.

Natuloy ang labanan. . .

ilang madudugong eksena ng paglalaban ang naganap mula sa dalawang panig. Nanganganib nang matalo ang mga tao. . .

Alphonse: Mahal na reyna kailngan niyo na pong tumakas. delikado na po ang sitwasyon dito.

Reyna Clowvis: Hindi. hindi ako papatalo sa mga yan. Ilabas ang mga kawal ko.

-Sa labanan-

Davon: Hindi natin kaya to. masyado silang marami

Gregor: Matatalo tayo pag nagtagal

Duaise: pagod na ko. (umalis at humiga sa kama para matulog)

Panandaliang nahinto ang pakikipaglaban ng mga star soldiers sa mga ampalaya.

Natahimik at namutla ang mga ampalaya.

Raaaaaawr!!!

Isang batalyon ng mga zombie ang lumabas mula sa kaharian.

AAAAHHHH!!! Takbo!!

Ampalaya #214: Hindi tayo susuko!! hustisya para sa mga ampalayaaaa!!

sumugod ang mga ampalaya patungo sa mga nagwawalang zombies

(parang naging plants vs. zombies ang drama.)

Nagulat ang lahat sa mga pangyayari. . .

Hindi inatake ng mga zombies ang ampalaya.

(Isang ampalaya ang tumawa) Muhahahaha!!

sa tingin niyo ba nagtagumpay na kayo??

sino namang nagsabi sa inyo na magkalaban kami ng mga zombies??

sa katunayan. kakampi namin sila laban sa inyo. muhahahhaha

Ampalaya #012: kapareho lang namin ng kapalaran ang mga zombies na yan. Mga outcast ng lipunan. . .

Bumalik at nagretreat ang mga tao sa kaharian. Ngayon ay natatakot sila sa pagsugod ng mga ampalaya at zombies. . .

Star Soldiers: Nagsisisi na kami. patawarin niyo kami sa kasalanan namin sa inyo.

Ampalaya #05: Huli na ang lahat. kailangan niyo nang maturuan ng leksyon.

Saaaaaandaaaaliiiii!!! itigil ang kaguluhang ito.

Si Ralphric at Wijiliver, lumabas sa eksena.

Nasan na si Romelus?? anong nangyayari dito? bakit may mga ampalaya at zombies??

Romelus: Hindi niyo ba pakana ang lahat ng ito??

Prince Ralphric: muntik na nga kong himatayin nung makita kong nagsasalita tong mga ampalaya na to e. teka. nakalaya ka na pala? gumawa pa naman kami ng plan A. so hindi na siguro namin kailangan yun.

Romleus: Anong plan A?

Prince Ralphric: Plan Atomic Bomb. Balak naming pasabugin ang lahat.

Romelus: Pano niyo naman ako maliligtas gamit yun?. . .

Prince Ralphric: Ah. . .eh. . .heheh

Di sinasadyang napindot ni Wijiliver ang Atomic Bomb.

Boooooom!!!!

-slowmo-

Nagliliparan ang mga ampalaya sa paligid. Dahan dahang sumabog ang mga ito. Natunaw naman na parang abo ang mga zombies. . .

ang madamo at berdeng lupain ng kaharian noon ay nababalot na ngayon ng berde pa ring kulay dahil berde ang dugo ng mga ampalaya at zombies.


Romelus: Buhay pa tayo??

Wijiliver: Mukhang hindi tinatablan ng atomic bomb na yun ang tao. . .

Unti-unting lamabas ang mga tao at nagdiwang.

Lumabas si Reyna Clowvis para sa isang speech.

Reyna Clowvis: Nakita naman natin ang nangyari ngayon. . .

sinasabi nila na ang mundo nating ito ang lugar ng mga pangarap. ngunit inabuso natin iyon. tanging sarili lang natin ang inisip natin. hindi natin namalayan na may iba na pala tayong nasasaktan.

Ngayon. kailangan na nating baguhin ang mga masasamang gawain natin dati at bigyan ng hustisya ang mga ampalayang ito na inapi nating mga tao. kaya mula ngayon. Mamahalin natin sila at bibigyang pansin para sa ikabubuti ng mundo nating ito.

Para sa kakaibang kaharian!!

Romelus: Naiyak sa speech ng reyna. kahit wala na ang mga ampalaya. mananatiling buhay ito sa puso ng bawat isa.

Mahal na reyna. . .

nadakip na namin ang tatlo. . .


Reyna Clowvis: Nasan na ang time machine ko?!

Prince Ralphric: Wala nga kaming kinalaman diyan.

Wijiliver: kahit hubaran mo pa ang prinsipe. wala talaga sa kanya.

Romelus: kahit pakainin mo pa ko ng Chocolate wala talaga sa amin.

Reyna Clowvis: kung gayon. bitayin ang tatlong yan!

Sandaliiiiii!!! pano kung alam namin kung nasan ang anak niyo na si Archaeus??

Star Soldier Davon: Alam niyo kung nasan ang kakambal ko?

Wijiliver: Oo alam namin kung nasan siya. Siya ay nasa Dulo ng mundo. ang pinakamadilim na bahagi ng mundo. Ang lugar kung saan nagmumuno si Haring Miguelis Fabious at ang kanyang Reyna Maghuyopis.

Romelus: pano mo nalaman??

Wijiliver: sshh.. .basta makisama ka na lang. . .

Reyna Clowvis: pano naman ako maniniwala sa inyo?

Wijiliver: Mahal na reyna. Kilala ko po ang dumukot sa kaniya. Siya po ang dumukot sa mga prinsesa ng lugar namin na siyang dahilan ng aming paglalakbay.

Reyna Clowvis: Bueno. isasama ko sa inyo ang aking mga anak. Ang Star Soldiers. kapag hindi niyo nailigtas ang anak ko. tangning kamatayan lang naghihintay para sa inyo.

Ralphric: O_O

Wijiliver: Opo mahal na reyna. . .

Naghanda na ang lahat para sa panibagong paglalakbay patungo sa Dulo ng mundo.

Sakay ng Spaceship na Mcdo. sila ay lumipad patungo sa pinakamadilim at pinakatagong parte ng mundo.

hindi nila alam ang naghihintay para sa kanila. . .



-Dulo ng mundo-

pinakamadilim at pinakatagong lugar.
ito ang lugar ng mga lihim at pinakatatagong sekreto ng puso ng bawat isa
ito ang lugar kung saan nakatayo ang Dulong Kaharian na pinamumunuan ni Haring Miguelis Fabious at Reyna Maghuyopis
ito ang lugar kung saan mabubunyag ang lahat. . .


Star Soldier Alphonse: Malayo pa ba tayo? gusto ko na maligo. ang dumi ko na. . .

Wijiliver: Konti na lang. malapit na tayo.

Star Soldier Gregor: Pano mo nga pala nalaman ang lugar na to?

Wijiliver: Ito ang lugar na pinagsilangan ko. . .

-isang malakas na pagsabog ang nangyari.-

booooom!!

nasa likod nanaman nila ang Burger Yum. ngunit mukhang masisira na ang kanilang sinasakyan. .

Wag kayong tumuloy! Patibong ang lahat! Unti unting bumubulusok ang burger yum.

Prince Ralphric: Teka. . .ikaw si. . .

Itutuloy. . .

Alamat ng Ampalaya (Part III)

Star Soldiers. . .

mga kakampi o mga kalaban?

at sino si Reyna Clowvis?


Matapos ang pakikipagsagupaan ng mga Star Soldiers laban sa mga nilalang na humahabol kayna Romelus, Prince Ralphric at Wijiliver. . .

Romelus: Power Rangers??

Star Soldier Duaise: (nakasuot ng color yellow) mukha mo power rangers. Star Soldiers nga!

Star Soldier Davon: (nakasuot ng color red) pabayaan niyo na yan. ang mahalga nakuha na natin siya. matutuwa ang mahal na reyna dito. muhahahahha.

Star Soldier Alphonse: (nakasuot ng color white) Ew. ang dumi naman niyan. sigurado ka bang matutuwa ang reyna diyan? baka madaming bacteria yan.

Star Soldier Gregor: (nakasuot ng color blue) wala tayong magagawa. utos ng reyna na dalhin ang magnanakaw na yan. saka na natin problemahin yung iba. siguradong lalabas din yun para iligtas itong isang to.

Romelus: Sandali. san niyo ko dadalahin? pakawalan niyo koooo!!

-unti unting dumilim ang paligid at nawalan ng malay si Romelus-

(Prince Ralphric at Wijiliver, nanonood sa di kalayuan)

Prince Ralphric: Masama ito. Nakuha nila si Romelus. kailngan natin siyang iligtas.

Wijiliver: wag na yun. malaki na yun. iligtas na lang natin ang mga prinsesa.

Prince Ralphric: pero kailangan natin si Romelus. Siya lang ang may alam ng daan at nakakapagmaneho ng spaceship.

Wijiliver: hmm. . .sige na nga.

-Sinundan nila ng palihim ang mga Star Soldiers patungo sa isang kakaibang kaharian.-

-Kakaibang Kaharian-

isang lugar kung saan malinis at payapa ang kapaligiran.
lugar kung saan kakaiba ang pananamit at pagkilos ng bawat tao.
lugar kung saan namumuno si Reyna Clowvis.


Sa palasyo. . .

Hihihihi.

Nagising ka din.

Romelus: Sino ka?

ako si Reyna Clowvis. Ang iyong worst nightmare.

(dumilim ulit ang paligid)
(sumindi ang apoy sa palibot nila)

biglang. . .

(tumugtog ang Born this Way ni Lady Gaga)

Sumayaw at Kumanta si Reyna Clowvis (parang nagconcert)

matapos ang epic dance break ni Reyna Clowvis na part ng kanyang pagpapakilala. . .

Reyna Clowvis: Ang lakas naman ng loob mong pumunta dito. matapos ang ginawa mo! Kamatayan at tanging kamatayan lang ang naghihintay sayo.

Romelus: huh??

Reyna Clowvis: Ninakaw niyo ang time machine ko!! Ibalik niyo sakin iyon!!

Romelus: wala akong alam sa mga sinasabi mo. kakarating lang namin sa planetang ito. . .

Reyna Clowvis: wag ka nang magmaang maangan pa. sinasabi mo bang alien ka? heh. wag mo kong patawanin. hihihi.

Romelus: teka ano nga bang planeta to?

Reyna Clowvis: Earth. duh..

Romelus: O_O

nasa earth pa rin kami???!!!

Reyna Clowvis: Ano sa tingin mo??

ito ang kabilang parte ng mundo.

ang parte kung saan nabubuhay ang mga namatay na pangarap ng kabilang mundo.


Romelus: Ok??

Reyna Clowvis: maghanda ka na. . .

Romelus: may party?

Reyna Clowvis: Oo. ang sariling mong death party.

hihihi. hihihi. hihihi.

(umalis si Reyna)

(makalipas ang ilang sandali. kinuha si Romelus at inihanda para sa pagbitay.)

(nanonood ang lahat ng naninirahan sa kakaibang kaharian.)

Romelus: Sandali!!

Ano ito??

Reyna Clowvis: hahaha i like slow and painful deaths.

yan ay kumukulong caramel fudge.

bawat oras ay ibaba ang tali na nakakabit sa iyo. at sa oras na lumubog ang araw. . .

hm. tingnan na lang natin ang mangyayari sayo. hihihi

Pero. kapag dumating ang mga kaibigan mo at ibinalik ang time machine ko. papakawalan kita at malaya ka nang gawin ang gusto mo.

Romelus: Nooooooo!!! ano ba talaga ang balak mo sa time machine na iyon?

Reyna Clowvis: Gusto ko lang naman ulit makita ang mga ngiti niya. . .

(tumingin ang reyna sa langit. nagkakaroon siya ng flashback.)

(Flashback)

Isang malaking painting ng isang maharlikang pamilya ang nakasabit. Makikita dito ang Mahal na Reyna Clowvis ang kanyang asawa na si Haring Carlov at ang kanilang limang anak na lalaki.

Reyna Clowvis: Mahal ako anong gusto mo ngayong gabi?

Haring Carlov: Gusto kong matikman ang Caramel mo. (kayo ah ano iniisip niyo? XD)

Reyna Clowvis: Sandali lang ikukuha kita. hihihihi.

Narito na ang paborito mo.

ahhhh!!! (nabasag ang hawak na pingan ng reyna)

(nakahandusay sa sahig ang duguang katawan ng hari)

hindi. mahal ko. waaaaag mo koooooong iwaaaaaan!!!

tumakbo ang apat na magkakapatid sa pangyayari. . .

Ina! nawawala po ang kakambal ni Davon.

(napansin nila ang nakahandusay na hari sa sahig.)

Natigilan ang magkakapatid at nabalot ng lungkot. galit. at takot.

Magbabayad ang gumawa nito. . .

(unti unting natapos ang flashback)

Romelus: *sniff* *sniff*

Reyna Clowvis: Nakita mo yung flashback ko??

Romelus: Oo. ayan o. nakaflash sa screen. ginawan na pala ng movie yan. nakakalungkot pala ang nangyari sa inyo.

Reyna Clowvis: sinira mo ang mga plano kong ibalik ang hari. at ngayon magbabayad ka para sa pagdurog ng mga pangarap ko.

-Sa di kalayuan-

Wijiliver: O_O ano nang gagawin natin?

Ralhpric: Time for plan "A"

-Hapon. Malapit nang lumubog ang araw-

Romelus: eto na ba ang katapusan ko??

biglang. . .

-nagululat ang lahat sa mga pangyayari-

yumayanig ang lupa. . .

Star Soldiers: Humanda kayo. paparating na ang mga kalaban. . .

Isang batalyon ng tumatakbong ampalaya ang patungo sa kanilang direksyon.

Monday, May 23, 2011

Alamat ng Ampalaya (Part II)

Ang nakaraan. . .
Nadukot ang mga prinsesa.

Kasalukuyan. . .

Prince Ralphric: Oo sa ngalan ng pagibig na wagas. handa na ko.

Romelus: . . . .ok?

kung gayon. tayo nang magpunta sa Spaceship na ginawa ng aking kaibigan. . .

-pagdating sa spaceship-

Romelus: Behold! Ito ang Space Transporter-X13 (sabay tangal sa kumot na nakabalot dito)

Prince Ralphric: Nasan na??

Romelus: ayan nasa harapan mo. . .

Prince Ralphric: . . .

bakit parang malaking burger mcdo na may coke float sa likod?

Romelus: Ganun talaga. para hindi suspicious.

Heto ang henyong gumawa ng spaceship na yan. . .

Prince Ralphric: WillyWilly??!!

so so last story na yan. . .ako si Wijiliver Von Cedrick Silvestriven V

Prince Ralphric: O_O habaaaaaa.

Wijiliver: Sorry na Ralhpric Rouis Justinov Aquinois III

Romelus: Tama na nga yan. mga Pogi kayo!! sumasakit na tenga ko. tara na dali. excited na ko.

Prince Ralphric: Uhm. . .sigurado ba kayong lilipad yan??

Wijiliver: Oo naman. magtiwala ka lang. :))

Romelus: Handa na ba kayo?

aalis na tayo pagkatapos ng 5 segundo.

5

(nagsimula nang maginit ang makina)

4

(lumalabas na ang usok mula sa tambutsong mukhang medium size coke)(polusyon na naman.)

3

(unti unting umaangat ang burger mcdo. este spaceship pala.)

2

(kinakabahan ang tatlo)

1

Pluk.

at lumipad nga patungo sa kalawakan ang kanilang sinasakyan.


Sa di kalayuang lugar. . .

Mukhang magsisimula na ang lahat. . .kung gayon humanda na rin tayo para sa ating pagalis. . .

At lumipad papunta sa kalawakan ang spaceship na mukhang burger yum

Samantala. . .

Aaaaaahhhhhhhhhh!!!!!

Magcracrash na tayooo!!!

Ma, Pa, kung nasan man kayo. mahal na mahal ko kayo. . .


this is the end. . .

Wijiliver: OA ka. kakatake off lang natin. . .

Prince Ralphric: Practice lang. Naghahanda lang ako ng lines para pag magcracrash na tayo madrama.

Romelus: Mukhang may sumusunod sa atin. . .

-Isang pangyayari ang gumulat sa tatlo-

Boom! taratarat! Boom! taratarat! tararat! tararat! Boom! Boom! Boom!

Sinimulang atakihin at paputukan ng Burger Yum ang Burger Mcdo. . .

Hindi nakaiwas ang burger mcdo at tinamaan ang kaliwa nitong pakpak. . .

Unti unti itong bumubulusok at ngayon ay nasa crashing scenario na sila. . .

-biglang nagkaroon ng slowmo-

Prince Ralphric: Hindeeeeeee!!! iiiimmmm toooooo hooooottt tooooo diiieeee!!!

Wijiliver: Nooooooo!!! iiiimmm toooo cuuuuuteeee toooo diiiieee!!!

Romelus: Waaaaaah!!!! yuuuunngg sinaing kooooo nasuunoooogg. . .

Boooooooom!!

-Nagcrash ang tatlo sa isang planetang hindi nila alam-

err. . .(unti unting nagkamalay si Wijiliver.)

Wijiliver: Nasan tayo?

Romelus: (wala pa ring malay pero nagsasalita) Mukhang nasa isang di kilalang planeta tayo. . .

Prince Ralphric: Bakit mukhang earth pa rin? mas malinis lang ng konti. . .

Panandaliang nasira ang moment nila ng unti-unting umayanig ang lupa at may mga naririnig silang malalakas na yabag ng mga paa na patungo sa direksyon nila.

Wijiliver: Hindi ko na gustong alamin kung ano yung mga yan. tara at tumaakbooo!!!

-tumakbo ang dalawa habang kinakaladkad ang wala pa ring malay na si Romelus-

Ngayon ay papunta sila sa isang madilim na kagubatan.

Wijiliver: Ano nang gagawin natin? Hindi pa rin gising to. . .

Prinsipe Ralphric: Alam ko na pakainin natin nitong halamang nakita ko dito sa tabi.

Wijiliver: Sandali. Pano kung nakakalason yan?

(kinakain na ni Romelus ang halaman habang sinasabi ito ni Wijiliver)

err. . .ughh. . ..hhheeehhhh. . .

Biglang dumilat ang mata ni Romelus. . .

*hinihingal at parang hindi makahinga*

sabihin niyo. . .

anong pinakain niyo sakiiin??!!!!


Prince Ralphric: Ewan nakita ko lang sa dito oh. . .

Romelus: (kumikislap ang mga mata) etoooo. . .etoooo ang sagoot sa lahat ng problema. Eto ang magaangat sa ekonomiya ng bansa. Eto ang magpapasikat sa atin. . .

tatawagin ko itong. . .

(may angelic sound effects at spotlight na nakatutok sa halaman)

"Ampalaya"

Wijiliver: Huuh? bakit Ampalaya?

Romelus: Wala lang. Parang biglang niyang binulong sakin, tawagin mo kong ampalaya.

Prince Ralphric: Creepy. . . tikman ko ngaa. . .

Matapos ang dalawang araw. . .

Romelus: waaaw. nagising ka din. ililibing ka na sana namin. . .

Wijiliver: So naghukay ako para sa wala? sayang naman efforts ko. . .

-Panandaliang natigil nanaman ang moment nila ng marinig ulit ang mga yabag ng paa na patungo sa kanilang direksyon-

Taaaakboooooo!!!

dali daling tumakbo ang tatlo.

nang biglang. . .

Natakid si Romelus sa isang malakaing bato. . .

(Slowmo ulit. . .)

-matapos ang ilang segundo ng madrama at mabagal na pagkadapa-

Romelus: Ugh. . .iwaaaan niyoooo na kooo. . .iligtas niyo naa lang ang sarili niyo . . .para sa mga prinsesa at para sa kinabukasan . . .

-Natahimik si Romelus-

wala na pala ang dalawa. . .

Unti-unting lumalapit ang mga malalakas na yabag ng paa. Parang kulog na unti unting lumalakas.

Nang biglang. . .

Booooom!! Nagkaroon ng malakas na pagsabog. . .

(unti-unting tumahamik ang kapaligiran)

(Apat na nakamaskarang nilalang ang sumulpot sa eksena)

Romelus: Mga Aliens ba kayo??

Aliens??

Wuhahahhaha!!!!

Hindi kami aliens. . .

Kami ang tagapagtangol ng mga naaapi (echo)

Sandata ng Hustisya (echo)

Liwanag sa Dilim (echo)

Mga alagad ng bagong mundo (echo)

alang alang sa Mahal na Reyna Clowvis. (echo)

Kami ang (tentenenen!!) Star Soldiers.


Itutuloy. . .

Saturday, May 21, 2011

Alamat ng Ampalaya (Part I)

-Espana taong 1611-

"Malayong Kaharian" ngayon ay isa nang Renaissance style na palasyo ngunit bakas pa rin ang Romanesque medieval style dala ng kahapon.

May tumatakbo ng mabilis. . .

takbo.

takbo.

*hingal*

*hingal*

at sabay binuksan ang malaking pinto na gawa sa ginto.

panandaliang nanahimik ang lahat at nabaling ang atensyon sa isang taong bigla bigla na lang magbubukas ng pinto para sa kanyang grand entrance. . .

tahimik pa rin ang lahat at nakatingin.

Prince Ralphrick: Ano? Pinatawag niyo ko tapos ganito?

-tahimik pa rin ang lahat-

Prince Ralphric: Ano? nadukot yung prinsesa ganon? ganon ba yun?

King Jymford: Ah?. Oo?. nadukot nga ang prinsesa. Pano mo nalaman? sagot ng mahal na hari. . .

Prince Ralphric: Duh. yan lang kaya silbi nila.

So totoo nga?

Hindeeeeee!! Princess Katherina koooooo!!!

King Jymford (nasa state of shock pa rin sa pagsigaw ng prinsipe): ahm . . .actually
si Princess Mistibelle ang nadukot.

Prince Ralphric: ah. . .K. . .

King Jymford: Sandali. . .nadukot din pala si Princess Katherina. . .

Prinsipe Ralphric: Hindeeeeee!! Princess Katherina koooooo!!! (naulit ang eksena kanina)

Nasan siya? sino ang dumukot sa kanya? bakit ang hilig naman sa mga prinsesa nitong kidnapper na to. Kailangan ko siyang iligtas. . .ay sila pala. . .

-namatay ang ilaw- (parang end chapter lang ng isang play)

itutuloy. . .

*insert Mcdo commercial*

Bata 1: girlfriend mo na ba ako?

Bata 2: Ayoko nga!

Bata 1: Huh?

Bata 2: Demanding ang mga girlfriend, gusto ganito gusto ganon. ewan.

Bata 1: Gusto ko lang naman ng fries. . .

Bata 2: Edi bumili ka! pilay ka ba? tska duh. lalaki ka kaya. anong girlfriend girlfriend ka diyan?

matapos ang commercial. . .

madilim pa rin. . .parang ganito madilim nga! (huwag i-highlight)

unti unting nagkakaroon ng ilaw mula sa pagbukas ng pintuan. . .

. . .ay sori brownout, di tayo nakabayad ng bills eh. . .

Si Queen Alyannica may dala dalang lampara at sinindihan ang chandelier ng mga kandila (oo abot niya yun)

Queen Alyanica: Halika dito mahal na Prinsipe.

Hindi basta basta ang dumukot sa kanila. . .

Prince Ralphric: Sino ba yang mga yan na gustong makatikim ng
Caramel -censored wag i-highlight please.

Queen Alyanica: Hindi Sino. Ano.

Prinsipe Ralphric: Huuh??

*biglang may umepal*

Oo. Hindi sila tao. Nangaling sila sa kalangitan. Nakita ko ang mga pangyayari. . . sila ay mga. . .

ALIENS.

(uuuwiiii -background sound kapag may aliens)

Chiz??

Hindi. So so last story na yan. ako si Romelus XIII.

*panandaliang nanahimik si Prince Ralphric. Isa kasi sa mga pinaghinalaan niyang dumukot sa mga prinsesa si Romelus.

Romelus: O? bakit ka nanahimik? akala mo ako ang kumidnap sa kanila no? nagbagong buhay na ko. hindi na ko katulad ng dati. Ito ay mula ng makilala ko si Secret

So ano?

Handa ka na ba sa panibagong pakikipagsapalaran?

Handa ka na bang salubungin ang mga bagay na hindi mo alam?

Handa ka na bang lumipad patungo sa Outer Space?


Itutuloy. . .